Chapter 50 - Wattbucks

35.8K 579 11
                                    

Nakarating kami ni Flynn sa isang mataas na building.

“Un aka na sa loob. Bibili lang ako ng frappe” ngumiti ako sa kanya habang tumatalikod pero humarap ako sa kanya ulit na nakasimangot. May bigla kasi akong na alala.

“Bakit? Kung makatingin ka naman parang papatayin mo na ko ng nguso mo. Hoy!”

“Mag – uusap tayo mamaya.. may hindi ka sakin sinasabi…” seryosong sabi ko sa kanya

“Talaga? Ako? Oo marami nga akong hindi pa nasasabi sayo katulad ng madaming bagay at ikaw din madami ka pang sasabihin sakin kaya after ng photoshoot na to mag – uusap tayo”

“Tama yan! Sige alis na ko babye” aalis n asana ako sa lobby na kaya lang

“Bili mo din ako ha? Gusto ko yung Choco chip frappe at..”

“at ano?” nakatingin lang ako sa kanya

“Wala bumalik ka kaagad ha? Tatapusin ko kaagad tong photoshoot na to bago ka bumalik. Okay?” ngumiti lang ako sa kanya at sabay na naghiwalay. Sya paakyat sa kung saang floor at ako papunta sa Wattbucks  isang sikat na coffee shop dito sa Wattpad na nasa labas lang ng building na to ang main store nila. Siguro dahil madaming tao dito sa tapat ng building na to kaya dun sila nagtayo. Well bakit ko pa ba pinoproblema yung mga ganyang bagay bibili na nga lang ako ng kape.

“Good Morning Ma’am! What’s your order?” tanung nung babaeng nasa cashier.

“Miss one mocha and choco chip frappe”

“What size ma’am? Venti or Grande?”

“Grande..” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Ma’am what’s your name po?” Ang daming tanong naman nitong babaeng to? Baka tatanungin pa nito kung kelan ang birthday ko? What is love? Ano to? Slambook?!

“Rio..” walang ganang sagot ko sa kanya. Nang bigla na lang syang

“ONE CHOCO CHIP AND MOCHA FOR RIO!!”

“COMING UP!” nagsisigawan ba sila o ganito talaga sila sa trabaho nila?? Pumunta na ko sa claiming are at dun may isang babae din na naghihintay.

“Arnie? Nakuha mo na ba?” may isang babaeng lumapit sa kanya at “Ahhh~~ Gusto ko nan g frappe Arnie eh.” Ang cute naman nya pero… sya yung?? Sya yun?? Sya yung may gusto kay Luke.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon