“YAAAAAAH!!” bago pa sya pumasok sa loob ng bahay namin. Winasiwas ko na agad ang walis tambo na dala ko.
Bigla nyang hinawakan ang tambo at dahan dahan nagbukas ang pinto namin.
“Good Evening” magalang na sabi nya
“Co – Collin??” takang sabi ko habang binababa dahan dahan ang walis tambo na pampukpok ko sana sa magnanakaw “Anong ginagawa mo dito? Late na” maayos na sabi ko sa kanya
“Can we talk?”
“Sige” pinapasok ko sya sa bahay at pumunta sa garden. “Gusto mo ng juice or water? Or coffee??” tatayo na sana ako at ikukuha ko sya ng maiinum. Be hospitable kahit sa kaisa isang karibal mo. Kaya lang
“Salamat na lang pero kelangan talaga kitang kausapin”
“Tungkol ba saan yun? Kay Rio ba? Kung sasabihin mo lang din naman sakin na makipagbreak na sakanya para kayo ang magkatuluyan lumayas ka na lang ng tahimik para hindi sya magising sa malakas na sapak na gagawin ko sayo” bigla na lang ako tumahimik at napaisip na kung pano kung tama yung sinabi ko. Napatingin ako sa kanya na nakaupo pa din sa tabi ko
“Hindi yun… susunduin ko sana sya para sabihin to kaya lang mas okay siguro kung sayo ko na muna sasabihin para hindi sya mabigla kung malalaman nya na uuwi na kami sa Genofiel bukas”
“U – uuwi na kayo??” sana ikaw na lang >:) tumango lang sya sakin.“Pero bakit? Bakit kasama pa si Rio?”
“Kasi.. ang Reyna… namatay kanina lang” nabigla ako sa sinabi nya “Kanina lang.. tumawag ang Hari sakin at pinapauwi na agad kami ni Princess Marion sa lalong madaling panahon.”
“Pe – pero di ba? Inuwi ang Mama ni Rio sa kaharian nila na okay na? Ang sabi pa nga daw na malapit na gumaling ang Mama ni Rio sa cancer dahil sa mga dugo na binigay niya.Eh anong nangyari dun?” hindi ko maiwasan na mag – alala sa magiging reaksyon ni Rio. Kakakita pa lang nya sa Mama nya at ngayon malalaman na lang nya na namatay na ito. Na alala ko nung time na tumawag ang walang kwenta kong Papa sa Mama ko para lang sabihin na patay na si Kuya.
“Sinabi lang yun ng Doctor para hindi na mag – alala ang Hari at ang Prinsesa sa Reyna. Inutusan ng Reyna yung Doctor ng Genofiel na magsinungaling kaya lang hindi na nya napigilan ang sarili nya at sinabi sa Hari na kumalat na ang cancer sa buong katawan ng Reyna nalaman na lang ng Hari 2 days bago mamatay ang Reyna. Flynn kung pwede sana ikaw na ang magsabi kay Princess Marion. Alam ko naman na ikaw lang ang tatakbuhan nya sa mga ganitong panahon.” Ngumiti sya na halatang may lungkot sa mga mata nya. “SigeFlynn ikaw na ang bahala hintayin ko na lang sya sa bahay nila bukas tanghale ang flight namin pabalik ng Genofiel.”
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Teen Fiction(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...