Chapter 88 - The Care

22.9K 371 11
                                    

 

“Rose para sayo…” inabot ko sa kanya ang isang bouquet of pink roses “Pouty… I mean Princess Marion.. I forgive you” ginulo ko ang buhok ko sabay “AAAHHH!! HINDI DAPAT GANITO EH!! Masyadong seryoso ang mood hindi kakayanin ng utak ko!!” nasa kwarto ako ngayon nakaupo sa kama at todo practice gamit ang remote ng TV ko as rose habang nakasuot ng uniform.

Hinga ng malalim at

“Eto na talaga… I know madaming bad memories this past few days satin and I already know everything Collin told me.. so Sweetkisses can you be mine again and never leave me anymore?... I can give up everything just to take good care of you… because… I love you..”

^//////////////////////////^

TANG – INA!! KINIKILIG AKO! Practice pa lang yan kinikilabutan na ko sa kilig! Hahaha

“Yeah boy! Yun yun eh! The best na ang practice ko!” nakataas pa ang kanang kamay ko na may hawak ng remote at

“Young Master Flynn eto na po yung bouquet of pink roses na pinapabili nyo. Pinabuksan ko pa po yung flower shop para po sa inyo ” hinihingal na sabi nya habang dala ang bouquet of roses.

“Bakit sinabi ko na pabuksan mo?” kinuha ko ang bouquet of roses. Hahaha minsan talaga hindi ko maipaliwag kung hobby ko na pagtripan ang driver kong to. Hindi naman sya katandaan at hindi din naman sya bata. Panong hindi nya papabuksan ang pinakamalapit na flower shop eh tinakot ko na paghindi sya nakabalik dito na walang dala na bulaklak in 30 mins maghanap na sya ng bagong trabaho at ihahagis ko sa labas ang gamit nya. Hahaha at 6am pa lang ngayon

Lumabas ako ng kwarto with a BIG SMILE on my face

“Nagbago ata ang ihip ng hangin ngayon?” - Cris

“Tama ka dyan Mabel. Isang mabuting espiritu na naman ang sumapi sa Young Master natin. Ang Flynn Flynn Fly Fly ni Rio. He’s in a good mood today.” - Mabel

“Tama ka din naman dyan.. May bouquet pa oh.. He’s really in a good mood today. Baka naman sila na ulit ni Rio?” - Cris

“Tanga! May GF kaya si Young Master baka sa GF yan” - Mabel

“Oo nga noh? Haay kala ko pa naman magbabalikan na yung dalawa magiging supportive maid ako para sa kanila maniwala ka tayo na lang ang #0 and #1 fan ng love team na yan! hahaha” – Cris nagthumbs up pa yung dalawa. Ang hirap naman sa dalawang to walang alam. Wala na kami ni Gail at higit sa lahat magiging kami na ulit ni Pouty!! Tumingin ako sa kanila at ngumiti. Maganda ang gising ko eh and this is the day!!

Pagdating ko sa school sya agad ang hahuntingin ko! Kelangan first thing in this morning masabi ko na sa kanya baka malimutan ko pa ang lines ko at mawala ang kilig sa katawan hahahah

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon