Chapter 29 - Unggoy Ungguyan??

35.3K 630 10
                                    

 

“Bagsak mo na kaya!” dadalawa na lang hawak nyang baraha pero yung akin…

WAAAHHH!!!

Tatlo pa!!

“Oh bagsak!” nag – evil smile ako sa kanya dahil iisa na lang yung baraha ko. “HAHAHAH!!” sa sobrang excited ko na matalo sya hindi ko mapigilan na tumawa.

“Tawa ka dyan!” inilagay nya sa likod nya ang dalawang baraha at mabilis na pinagpalit nag – evil smile sya sakin “Oh! Pili na!”

Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa baraha nya. Napatingin ako sa kanya seryoso syang nakatingin sa baraha nya habang kagat kagat ang dila nya.

Ito na lang!

Kinuha ko ang nasa kaliwa at

“Aish.. Wala..” pabulong na sabi ko pero

“HAHAHAH!! MA – UUNGGOY KA HUMANDA KA SAKIN!! TATADTADIN KITA NG LIPSTICK!!” lakas ng pandinig ng lalakeng to ah!

“ASA KA!! Hindi pa nga allam kung sinong unggoy sating dalawa! Umuunggoy ka naman! Ikaw ang humanda paglalaruan ko ang beautiful face mo hahaha” ginaya ko ang ginawa nya na pinagrambol ang baraha sa likod ko at “TA – DA!! BUNOT NA!!”

Tinapat nya sa kanan ang kamay nya

Napakagat ako sa labi ko! Wag naman ako! Sya na lang po ang unggoy!

“Hoy! Walang tanggalan ng lipstick ha?!”

“Aba! Ikaw pa talaga ang nagsabi nyan! No big deal sakin yan hahaha” sabay higit sa baraha na nasa left side

“HAHAHAH!!” binagsak nya ang baraha nya at “UNGGOY KA!! LAWAY! HAHAH!!”

“TANDAAN MO TO!! BABAWIAN KITA!!”

“HAHAHA KUNG MAKAKABAWI KA PA?!” kinuha nya ang lipstick na nasa tapat namin na hiningi nya sa babaeng hindi naman nya kilala. Lumapit sya sakin at nilagyan nya ng lipstick ang ilong ko “Walang tanggalan ha?”

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon