“Ano ba?! Ibaba mo nga ako!! Halimaw na Kalabasa ka!! Ibaba mo sabi ako eeeeehhhh!!!” nagsisisigaw, nagpapapadyak at pinupukpok ko ang ulo ng pumpkin mascot na to habang pasan nya ko sa balikat.
Huminto sya sa paglalakad sabay tingin sakin na nagwawala na sa sobrang inis.
Sino ba naman ang hindi maiinis sa mascot na to?! Na bigla bigla ka na lang nyang kakaladkarin at papasinin sa balikat nya ng walang sabi – sabi! Eh pano nga naman sya makakapagsalita kung may suot pa syang pumpkin head! Bat ba nya kelangan pang mag –suot ng ganyan eh nasa PROM sya! At papatayin nya ba ko?! Remember nag gun shot sya sakin kanina at aaaahhH!! Hindi ako mapapatay ni Flynn Flynn Fly Fly nasa kontrata yun! Kung sa bagay wala naman akong nagawa sa kanila ni Caurie. Nasan nga pala si Caurie?
SI COLLIN?!!! Naiwan si Collin sa venue at AAAHH!! Panigurado nag – aalala na sya sakin ngayon?! I’m fine but not really kasi hindi ko naman kilala tong mascot na to!!
Paaakk!!
“Aray ko! Bat mo ko pinalo?!” sya pa ang may ganang paluin ang binti ko! Sya na nga dyan ang nangkikidnap!
Hindi nya ko pinansin at naglakad na ulit. San nya ba kasi ako dadalhin?! Nahihilo na ko! Naakabaliktad lang naman ako habang pasan nya kinabog ko pa ang baboy na malapit na bitayin. Pagnagkaron lang talaga ako ng pagkakataon na tanggalin ang mascot nito. Patay sya sakin!
Hindi pa natatagalan bigla na lang nya kong binaba at pagtingin ko nawala na sya na parang bula. Ano ba tong mascot na to? Engkanto o mushroom? O baka naman mamamatay tao na bigla na lang akong babarilin nang hindi ko alam.
Hindi! Hindi! Napapraning ka lang Rio! Nasosobrahan ka lang sa panunuod ng T.V kaya ganyan ang na iisip mo.
Ano bang balak nyang gawin sakin? Iligaw sa school namin? Asa naman! Alam ko kaya to! The He---
Bigla akong napalingon at napatingin sa paligid ko.
?....? < ------------------- Me
Nasan na ba ko? San nya ko dinala?!! Nasa school pa ba ko? Bat nya ko dinala dito!!! Napaka ng mascot na kalabasa na yan!! Lakas ng trip nya sa buhay ah!!
Ang lake siguro ng galit nya sakin? Pero bakit? Sakin pa? Eh bago lang naman ako dito?
“AAHH!! Nakakainis kang kalabasa ka!!” nagpapapadyak ako sa damuhan at napahawak sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Fiksi Remaja(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...