The next morningYayapusin ko sana sya kaya lang pagkapatong ng kamay ko sa kama. Wala akong nahawakan kahit kamay ni Pouty. Minulat ko agad ang mata ko at nakitang wala nga sya sa kwarto.
Nakakalat ang mga damit namin sa buong kwarto. Kumuha agad ako ng shirt at nagsuot agad ng boxer para mahanap ko na agad si Pouty. San ba kasi nagpunta? Kinuha ko agad ang phone ko para tawagan si Yam.
"Hello Yam!" naglalakad na ko palapit sa pinto at "Nasan si ---" natigilan ako pagkabukas ko ng pinto.
"Good Morning Pumpkin" nakangiti nyang sabi. Suot nya ang shirt na suot ko kagabi at dahil mahaba ito sa kanya. Hindi ko alam kung may suot bas yang short. Nako naman! Makakaround 2 ata kami nito ng ganito kaaga kung lagi syang ganyan.
Hawak nya ang isang tray na may pumpkin?? Pumpkin pancake na may bottle of syrup sa side at cream.
"Ikaw nagluto nyan?" tumango sya sakin at
"Joke lang pinaluto ko. Ayaw nila kong paglutuin eh" pumasok na kami sa loob ng kwarto at sabay kinain ang pinaluto nyang pancake.
Lumipas ang ilang lingo at madalas na syang sumusuka tuwing umaga at laging may hinahap sakin na kalabasa. Minsan nga pinatanggal nya sakin yung laman ng Kalabasa. Hindi lang basta kalabasa yung malaking kalabasa na hilaw tapos nagpa – ukit pa ng smiley katulad dun sa holloween. Imagine pwede naman sa iba nya ipagawa yun pero ako talaga lahat ang pinagawa nya. At pagkatapos ko naman gawin tinulugan lang ako. Hindi man lang nginitian yung gawa tiningnan lang tapos tulog agad. Buong araw ko kaya yun ginawa!!
AAHH!! POUTY!! SUMOSOBRA KA NA!!
"No.. hindi ako pwede ngayon wala ako sa Wattpad. I can't do it sorry... What? Bahala kayo kung yan ang gusto nyo. Pero hindi ko pa din kayo pagbibigyan... I'm married now and I'm not one of the bachelor that you are talking about.. Bye.. Now what? Ang kulit nyo naman eh. Hindi nga pwede eh nasa Genofiel ako ngayon!" napansin kong nakatingin sakin si Pouty habang kausap ang may – ari ng clothing line na minomodel ko. "Kung yan ang gusto bahala kayo. Pumunta kayo dito kung gusto nyo pero hindi ako magpapakita sainyo." Binabaan ko na lang sya ng telepono kahit alam kong madami pa syang sasabihin sakin.
"Anong meron?" tanong ni Pouty habang naglalakad palapit sakin.
"Wala. Pupuntahan nila ko dito sa Genofiel para kausapin ngayon. Gusto kasi nilang magmodel ulit ako sa kanila kahit tapos na ang contract ko sa kanila. Bibigyan daw nila ko ng malaking talent fee na masmalaki pa sa sinusweldo ko dati. Pero pakealam ko ba sa sweldo di ba?" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Kausapin mo na. Ikaw lang naman ang nagpapataas ng sales nila dun eh" tiningnan ko sya na sabay yakap nya sakin.
"Sus. Binola mo pa ko" sabay pitik sa noo nya habang yakap namin ang isa't isa
"Pero totoo nga bumaba talaga ang sales nila simula nung umalis ka sa Giordano. Kausapin mo na sila. Tulungan mo na din."
"Sinabi ko na nga na may – asawa na ko para hindi na nila ko kulitin pero ang kulit talaga ng owner ng clothing line na yun"
"Kausapin mo na sila ngayon. Sigurado ako mamaya nandito na sila baka nga tumatawag na yun sayo mamaya eh. Pero.. pasalubong ha?" tiningnan nya ko with matching smile pa. Alam na alam talaga nya na hindi ko sya matatanggihan dahil sa smile nyang yan.
"Hindi pa nga ako nakakaalis pasalubong agad." Inuntog ko ang ulo nya sa ulo ko pero mahina lang sabay smile sa kanya at naglakad ako palayo sa kanya at umupo sa may veranda.
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Ficção Adolescente(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...