Chapter 51 - Tsismis.. bow

37.2K 542 20
                                        

Nanlilisik ang mga mata ko habang nakasakay ako sa limousine. Oo limousine tama ang nabasa nyo. Yung mahabang kotse. Ang masistika pa may nakalagay pang flag ng Genofiel sa harap at likod ng sasakyang to! Green, White and Red na horizontal then sa may white may dalawang dahon na laurel ata yun at sa loob ng laurel may Lion at gold ang color nun. Badtrip lang di ba? Hindi naman halata na alam na alam na ako o si Papa ang nakasakay dito.

Hindi naman ako nagagalit dahil dito sa limo na to eh!

Nababadtrip ako kay Flynn at kay Papa pero nakakainis talaga yung Kalabasa na yun!! Two days kasi akong hindi pumasok hindi pa kasama yung one day na nag – cutting kami ni Flynn kaya three days na pala yun.

*flashback

 

“PAPA AYAW KO PA NGA UMUWI!!!” pagdating namin sa bahay sinigawan ko kaagad sya pagkapasok na pagkapasok ko

 

 

“Marion.. Pwede I miss you muna Papa hindi yung ‘PAPA AYAW KO PA UMUWI!!’” umupo sya sa sala. Napatingin ako sa buong bahay at mas malake tong bahay na to sa bahay ni Flynn mas madaming magagandang gamit at hindi ko na pinansin yung iba at napatingin na lang ulit ako sa Papa ko

 

 

“Bat ba kasi nandito ka? Pipilitin mo na naman ako magpakasal kay Collin eh! Sino bang may sabing nandito ako?!” ngumiti sya sakin at tumayo sa pagkakaupo nya. Ang haba ng pasesnya ngayon ng Papa ko ha? Siguro nga namiss nya talaga ako. Sinisigawan ko na sya sa sobrang inis pero bakit parang kalmado pa din sya??

 

 

Bigla nya kong inakbayan at naglakad papunta sa sala at umupo sa mahabang sofa habang inaakbayan nya ko. Hinawakan nya ko sa ulo at tinapat ang noo nya sa noo ko.

 

 

“Parehong pareho talaga kayo ng ugali ng Mama mo. Alam mo bang pina – uwi ko na din sya sa Genofiel? After mong sabihin na nakita mo ang Mama mo nagmadali agad akong pumunta sa hospital para puntahan sya. You know what? She’s getting better and better because of you anak. Kaya please umuwi na tayo?” ngumiti sya at tinanggal ang pagkakapatong ng noo nya sa noo ko. Inuwi na pala nya si Mama samin. Sa ginagawa ni Papa parang kinokonsyensya na ko nyan eh. Papa naman wag mo naman ako ilagay sa komplikadong sitwasyon oh.“Pero kung ayaw mo pa talaga umuwi okay lang. At least naman nag – aaral ka dito compare sa Genofiel na wala kang ginawa kung takasan ang teacher mo” panong hindi ko tatakasan eh mukhang dragon yung matandang babaeng yun. Nakakatakot kulang na lang bumuga sya ng apoy sa mga mali ko.

 

 

Ngumiti ako sa kanya

 

 

“But in one condition…” anything!! Okay lang please give a chance to stay here kahit konting panahon lang. “Iiwan ko ang body guards mo dito. I need to go the day after tomorrow because your Mom need me. If you need anything try to call your Tita Jamie Fuentabella” si Mrs. Eroa?!! Yung mama ni Flynn?? Oo nga pala magkakilala nga pala sila ni Papa pero pano??

My Personal Maid is a Princess?!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon