Heto na naman pasukan na naman at tinatamad na naman ako.
Sana lagi na lang weekends or kahit uwian na lang.
Pano ba naman nakiusap sakin si Pouty na kung pwede na parang hindi kami magkakilala sa school na walang pansinan at walang usap usap. Ako kaya yung nagsabi sa kanya nun dati! Aaahh!! Nakakainis tapos inaakbayan pa sya ng Kalawang na yun! Hooy! Prinsipe hindi kayo! Kami ng Prinsesa na inaakbayan mo! Subukan mo gawin yan sa harapan ko matatadyakan kita!
Nakataas ang paa ko sa desk ko at nagrarock ng chair habang nakatingin sa ceiling.
“Class malapit na matapos ang school year natin at pinaplano namin ng mga heads na tutal last year nyo na next school year. Magpepresent kayo ng isang play at si Princess Marion ang bida sa play na ito” napabalikwas ako sa narinig ko na muntik ko na ikalaglag. “Ahmm.. kaya lang hindi pa nya alam na bida sya”
“hahahaha” pinipigilan ko ang sarili ko sa pagtawa kaya lang hindi ko talaga kaya. “I’m sorry Ma’am may bigla lang akong naalala. Please continue” natatawang sabi ko. Si Pouty magiging bida sa isang play. Hahaha kung magiging teenage mom sya pwede pa kung ang gagamitin nyang script is yung ginamit nya samin kahapon. Hahaha
*flashback
“Flynn--- ” lahat kami natigilan nung nagsalita sya habang nakayuko. Bigla nyang inangat at ulo nya at sabay sabi ng “magiging tatay ka na” nakangiting sabi nya.
•__________• < ----------- Me
Inakbayan ako nina Tristan, Luke at Oax.
“Sabi ko sa inyo ang bilis ng sperm ni Flynn eh hahaha”
Bigla kong tinanggal ang mga braso nila na nakaakbay sakin.
“Gagu kayo! Walang nangyari kagabi! Pano ko mabubuntis si Pouty kung tulog ako?! At kung nakabantay kayong tatlo kagabi!” natatarantang sabi ko sa kanila
Kaya lang
“Ba- bakit? Flynn ayaw mo ba? Gusto mo bang ipalaglag ko tong baby natin?” biga na namang yumuko si Pouty
“Ah! Hindi! Okay lang naman sakin kaya lang imposible talaga mangyari na magkababy tayo kung pareho tayong tulog”
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Jugendliteratur(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...