“Students gather to the main house!” may malakas na boses kaming narinig ni Aina habang nag – a – unpack ng mga gamit namin.
Magdidilim na. Naglakad na kami ni Aina papunta sa main house halos kasabay na din namin ang mga schoolmates namin na binigyan ng assign rooms sa left side ng main house. Mga teachers kasi ang matutulog sa main house at dun din nanggagaling ang masasarap na pagkain na luto naman ng cook ng school.
Pagdating namin sa main house.
“OH!!! EEEMMMM!! GEEEE!!!!” napatingin kami sa sumigaw na pagkalakas lakas. “LOOK WHAT WE’VE FOUND!! MISS!!!” sumisigaw habang naglalakad si Alex na halatang nagpapanic sa nakita nya. Maydala syang papel at kasunod nya ang mga alagad nya. Lumapit sila kay Miss na kasama ang ibang mga teachers.
“And what was that Miss Herrera?” kalmadong tanong ni Miss kay Alex. Nakatingin lang kami ni Aina sa kanila na may pagtataka sa mga hitsura namin.
“Anong meron?” may lalakeng nagtanong pero hindi namin sya pinansin. May biglang humawak sa balikat ko at napatingin ako kay Aina humawak din sya sa balikat ni Aina. MANYAK TO AH! “Anong meron?” sabay kaming tumingin sa kanya at “Titingnan nyo lang ba ko? Ano bang meron?” inaantok na sabi ni Collin sabay hikab. Ngumiti lang kami sa kanya at napansin ko si Flynn na nasa likod nya at kung san san tumitingin. May hinahanp siguro?
“Hindi nga din namin alam eh” sagot ko
“For sure isang palabas na naman to” sagot naman ni Aina na may kompyansa na tama sya.
“LOOK MISS!! WE FOUND THIS!!” pinagduduldulan nya sa mukha ni Miss ang papel na nakita nya. Nakatikda na kami ni Aina dahil hindi namin masyado makita sa sobrang tangkad ng mga lalakeng nasa unahan namin.
“Ano bang nangyayari dun?” tanong ni Aina na nagtatatalon para lang makita ang nangyayari dun.
“Hindi ko nga din alam eh” sagot ko habang nakatip – toe ang mga paa.
“THERE’S A BOMB HERE!!!” sigaw ni Alex. Nagkatinginan kami ni Aina na bakas sa mga mukha namin ang pagkatakot.
Nagsigawan ang mga estudyante. Yung iba nagtakbuhan na sa main door para makalabas kaya lang sa sobrang lake ng pinto ng main house hindi nila ito mabuksan dahil pinalock ito ng mga teachers. Yung iba naman nag – iiyakan na sa isang sulok ng malaking bahay na to. Kaming apat nakatayo lang at tinitingnan ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung inoobserbahan ba nila ang mga tao. Kasi ako.. hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tatakbo na lang din ba ko o iiyak katulad ng ginagawa ng karamihan o hihintayin ko na lang na mamatay ako dito.
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Teen Fiction(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...