Maaga akong nagising kinaumagahan para maka paghanda na sa klase ko mamaya. Nag work out muna ako sandali pagkatapos ay naligo na ako. Nagbihis na ako ng uniform namin. Kulay pula na may pagka puti ang ibabaw nito at polo style, ang sa ibaba naman ay isang kulay itim na pantalon.
"Kamusta ang lakad niyo kahapon ni Redgen anak?" tanong ni Mama pagkaupo ko sa mesa.
"Okay lang po at hindi naman po talaga siya masamang tao ma, masaya din po siyang kasama." lihim akong napangiti nang ma alala ang nangyari kahapon.
Hindi naman talaga siya masama. May chismiss raw kasi na madami siyang babae. Parang hindi naman sa nakita ko kahapon.
"Ikaw anak ha di mo sinabi sa amin na may manliligaw ka na pala!" tukso ni Papa dahilan ng pamumula ng mukha ko.
"Po? Hindi po siya nanliligaw sa akin." nagyuko ako nang ulo dahil sa nahihiya. Oh gulay ang aga-aga pa!
"Okay lang na may manliligaw ka anak hindi ka naman namin pinagbabawalan. Ang amin lang alamin mo ang mga priorities mo." sabi ni mama at hinawakan ang buhok ko.
"Ma naman! Syempre alam ko po 'yon." sabi ko. "Aalis na po ako Ma, Pa baka hindi ako makasakay ng jeep nito." paalam ko sabay tingin sa relo ko. Tumingin ako sa kanila at may mapalarong ngiti sila sa labi habang tinitignan ako. Inirapan ko sila at lumabas na ng bahay.
"Ay sos umiiwas ka lang eh!" singit ni Mama ng makaalis ako. Napailing lang ako at ngumiti.
Nakasakay din ako kaagad ng jeep at hindi naman masyadong matao. Pagkababa ko sa jeep ay natanaw ko si Stacey na naghihintay sa akin sa entrace gate. Pinuntahan ko siya at sabay na kaming pumasok sa eskwelahan.
"Kamusta yung date niyo este dinner pala." hinampas ko ang braso ni Stacey dahil napalakas ang boses niya baka may makarinig sa kaniya, nakakahiya. Baka ma issue pa tayo.
"Itikom mo 'yang bibig baka may makarinig sa atin!" suway ko sa kaniya. Ayokong pag-usapan sa buong campus. Sikat si Daile at maraming nagkaka gusto sa kaniya halos lahat yata ng babae dito sa campus, campus crush siya. Kahit hindi siya nag-aaral dito.
"Oo na po pero kamusta nga?" pangungulit niya pa. Hindi talaga ako titigilan ng isang to kung hindi ko sasagutin ang tanong niya. Kapag hindi mo sasagutin ang tanong niya hindi ka niya titigilan hanggang sa magsalita ka. May topak talaga siya minsan.
"Nag kwentuhan lang kami tapos kumain sa restaurant tapos hinatid na niya ako pauwi. 'Yon lang po." kwento ko at umirap sa kaniya. Tapos pumasok na kami sa classroom sakto din na pumasok na si prof.
Pagka lunch time bumaba na kami at pumuta sa canteen. Wala kasi kaming dala ng lunch ni Stacey kaya wala kaming magawa kundi bumaba na. Si Stacey na ang nag order at ako na ang humanap ng upuan.
"Bakit ang ingay?" reklamo ko habang kumakain kasi sobrang ingay hindi naman masyado maingay ang canteen hindi kagaya ngayon. Lumingon din si Stacey at nagulat ako ng sinipa niya ako sa paa.
YOU ARE READING
Be with You
RomanceJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.