"Happy Birthday Tita!" bati ko kay Tita ng bumaba siya.
Nandito na ako sa bahay niya nakatira. Binenta na ni Tita ang bahay naming doon at lumipat na ako sa bahay niya. Tatlong buwan na nakalipas simula nong malibing si Papa at huli kong nakausap si Mama.
Umalis na ako at sinabihan siya na kay Tita na ako titira. Pumayag naman siya at sinabihan akong alagaan ang sarili ko. Pagkatapos non hindi ko na siya nakita ulit kahit nong graduation ko sa med school.
"Thank you, hija!" ngumiti si Tita at tinaggap ang regalo ko sa kaniya.
"Mukha ka pa ding bagets, Tita!" biro ko.
"Siyempre naman, hija!" tumawa si Tita.
"Alis na po ako, Tita." Paalam ko kasi madami pa akong gagawin sa hospital.
Isang taon lang ang gagapangin ko para sa residency.
Pagdating ko sa hospital ay nandoon na ang mga kaibigan ko. Si Carla at Tes lang ang wala sa aming anim dahil nasa Florida sila. Malungkot nga kami eh dahil wala na ang mga joker sa amin.
"Plavin!" tawag ni Eser.
"Taray bagong hairstyle, ah?" komento ko ng makita ang hanggang balikat niya na buhok.
"Syempre noh!" tumawa siya. "Ang dami kayang pogi dito." Bulong niya sa amin. Sabay kaming napasinghap lahat.
"Nandito tayo para matuto, Eser!" asik ni Fran.
"Taken," nagkibit balikat si Je.
"Pasok na tayo, late na!" sabi ko sa kanila. Sabay kaming tumakbo papasok sa hospital.
Lumipat kami ng hospital at nandito na kami ngayon sa DILM. Sobrang laking pasalamat namin sa may ari dito dahil tinanggap nila kami bilang dito na mag intern at residency. Kasi may rules na kung saan ka nag cle-clerkship doon ka magtatapos.
Pero hindi na maganda ang learning sa GIMU kaya lumipat kami. Maganda ang training dito. Dito din nagtapos ang ibang highest paid doctors.
"Aray ko ha!" reklamo ko ng may bumunggo sa akin.
"Sorry miss," hingi ng tawad ng nakabunggo sa akin. Napatingin ako sa kaniya at suot niya.
A guy wearing a nurse uniform.
Napatingin din siya sa akin at sa suot kong lab coat.
"Okay lang," sabi ko. Binigay niya ang charts na nahulog ko dahil sa pagbunggo niya sa akin.
"You're an intern?" tanong niya.
"Yep, obvious naman?" sarkastiko kong sabi.
YOU ARE READING
Be with You
RomanceJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.