Chapter thirty three

17 0 0
                                    

Lagi akong bumibista kay Daile at unti-unti na din siyang umo-okay. Wala nang semento sa kanyang kanan kamay pero may mga sugat parin ito pagkakuha nito. Sa hospital na pinagtatrabahoan ko din siya naka confine. Kaya madalas kapag wala akong gagawin dadalawin ko siya.


"How's the food? Did you like it?" tanong niya. Nag pa deliver siya ng healthy foods para sa amin dalawa pero hindi siya nagsabi sa akin kung ano ang gusto ko pero masarap naman.


"Oo, bukas ka na uuwi 'di ba?" tanong ko gusto niya raw mag trabaho ulit at naboboryo na siya rito sa hospital. Pumayag naman ang doctor dahil okay na siya. Pero I make sure na okay na talaga ang kalagayan niya kapag na discharge na siya.


"Hmm..." tumango siya bago paman ako makapagsalita bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang Mama niya. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong nag-usap kami. Naiilang pa din ako sa presensiya niya. Hindi ko sinabihan si Daile tungkol sa pinag usapan namin ng Mama niya. Ayaw kong magkasagutan pa sila ng Mama niya.


"G-good afternoon po," bati ko habang nakayuko ang ulo.


"Good afternoon." kaswal na balik niya. Narinig ko ang buntong hininga ni Daile.


"This is Plavin mom, I guess you already know her?" tumango ang Mama niya at maliit na ngumiti bumaling sa akin.


"Of course,"


"A-alis na ako may trabaho pa ako." sabi ko at tumayo na. Mariin hinawakan ni Daile ang kamay ko at marahang pinisil 'yon.


"Alright work well." ngumiti ako at tumango. Napatingin ako sa Mama niya na seryosong nakatingin sa akin tumango siya ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya.


"I'm courting her, Mom." narinig kong sabi ni Daile pagkasirado ko sa pintuan.


Mahinang humalakhak ang Ina niya.


"I know that but she feels uncomfortable having me around."


"I can feel it but I know someday she'll use to it."


"We talked last week," panimula ng ina niya. 


Huminga lang ako ng malalim at naglakad na papalayo. Ayaw kong makinig sa usapan ng mag Ina nila at ayaw kong marinig ang sagot ni Daile. Alam kong sa oras na 'yon na tatanongin ako ni Daile tungkol doon. Handa naman ako sagotin ang mga tanong niya. 


"Lunch?" bungad ko kaagad pagkapasok ko sa opisina ni Je. Napatingin siya sa akin at napahilot ng sentido.


"Please, its your turn to pay the bills." tumawa ako. Sa huli, sumama naman siya sa akin. Pagkatapos namin mag lunch ay balik trabaho na ulit kami.


Pagka out ko galing sa trabaho ay nakita ko si Daile na naka abang sa akin sa labas. Napatigil ako sa paglalakad at kunot noong tinignan siya. Diba bukas pa ang uwi niya? Ba't na paaga?

Be with YouWhere stories live. Discover now