Chapter sixteen

17 0 0
                                    

"Tara na, Je!" sigaw ko. Pupunta kami ngayon ng bar dahil nag-aya ang mga kaibigan namin na mag-inuman. Isa pa, ang tagal na ata hindi ako nakakainom. 


"Wait!" sigaw niya habang nasa kwarto siya. 


Naka white spaghetti strap lang ako tapos black boyfriend jeans pinaresan ko din ng white sneakers. Light lang ang make up ko kaya mukhang tao na akong tignan. Naka white spaghetti strap din si Je at blue na boyfriend jeans at white sneakers. 


"Taray best friends goals talaga!" komento ko. 


"Oo nga noh! Hindi ko nga lang masunod ang kagandahan mo." tumawa siya. Hinampas ko siya sa braso at natatawa din. 


"Hindi dapat sinasabi ang ganiyang bagay, Je." biro kaya tumawa siya ng malakas. Sakto din na dumating si Jacob. Sasama siya sa amin dahil gusto niyang bantayan si Je doon sa bar. 


Ang gwapo din ni Jacob napakasimpleng tao niya. Tahimik, matangkad, maputi, at matalino. Kaya alam ko na eh bakit inlove si Je sa kaniya. 


"So, pretty." komento ni Jacob ng makita kami. Namula kaagad ang pisngi ni Je at nahihiyang ngumiti. 


Sos kinikillig naman. 


"Thank you. You look good, also." komento ni Je. Ngumiti lang si Jacob saka lumapit kay Je para halikan ang pisngi. 


"Tara na? Baka magbago pa ang isip niyo." singit ko. 


Tumawa silang dalawa at umiling. Pagkalabas namin nakaparada na ang black Volvo ni Jacob. Sumakay na sa shotgun seat si Je at ako naman sa back seat. Pagdating namin sa bar ay madami na ang tao. Hinanap namin ang table kung saan ang mga kaibigan namin. 


"Plavin, Jelena, Jacob, hali kayo!" tawag ni Carla. Pumunta kami sa kanila at umupo. 


"Binabantayan ka talaga, Jelena?" natatawang sabi ni Eser. 


"Oo nga eh, kahit na may mga rounds pa siya sinamahan niya talaga ako dito!" sabi ni Je at tumingin kay Jacob na tahimik lang nakikinig. 


"Ikaw, Plavin? Saan ang jowa mo?" tanong ni Carla. 


Hanggang ngayon hindi pa din kami nag-uusap ni Daile. Hinayaan ko muna siyang kumalma bago ko siyang kausapin ulit. 


"Ikaw, Carla, saan jowa mo?" pabalik kong tanong. 


"Nasa hospital may binabantayan kaya hindi nakasama dito." sabi niya saka tumawa. Binigyan kaagad ako nila ng baso. Umasim ang mukha ko ng maramdaman ang kati sa lalamunan. Kailan nga ako huling uminom? 


"Aww tayo na lang ang date ngayon!" sabi ko, natatawa. 


"Oo ba, papunta pa din kasi ang jowa nitong si Eser, eh!" wika ni Carla. Sa lahat ng kaibigan namin si Carla ang napakabolera. Kapag nagsasabay kami walang oras na hindi kami tumatawa minsan nga napapagalitan kami dahil sa sobrang ingay namin. 

Be with YouWhere stories live. Discover now