Daved told me where he lives and I didn't hesitate to go. Hindi ako makapali habang nag da-drive dahil paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang sinabi nila... all I think is he needs me... right now. Pumasok ako sa isang villa at nakitang may guard na kumakaway sa akin sa may harapan.
"Dito po ba nakatira si Redgen Daile Franco?" tumango ang guard at kinuha parang radyo sa bulsa.
"Saglit lang po, ma'am." tumalikod siya at may kinausap sa radyo. Mga ilang minuto ay humarap ulit siya at pinagbuksan ako ng gate papunta sa bahay niya.
"Nandiyan, ho siya ma'am. Sabi ng kasambahay nila." ngumiti ako at tumango. Tinuro niya sa akin kung saan siya nakatira. Dumating ako sa isang napakalaking bahay, kulay puti at itim ang kulay nito. Pinark ko lang sa gilid ang sasakyan ko at bumaba na. Pinindot ko ang doorbell at ilang segundo ay pinagbuksan ako ng kasambahay niya.
"Nandiyan ho ba si, Redgen?" ngumiti ako. Tumango ang babae at gumilid para makapasok ako.
"Opo, ma'am nasa kwarto niya po." tumango ako at sumunod sa kaniya. Simple pero malaki ang bahay niya. Sobrang tahimik tanging tunog lang ng aircon sa sala ang narinig ko.
"Dito ba nakatira ang Mama niya?" takhang tanong ko.
"Hindi po ma'am eh. Actually nga po ikaw po ang unang babae pumunta sa bahay niya kadalasan po kasi pumupunta rito ang mga kaibigan niya lang po. Sila ho sir, Prince." napaawang ang labi ko. Parang gusto ko na tuloy umtras at tumakbo.
Ano ba ang sa tingin mo ginagawa mo Plavin?! Bakit ka pa pumunta rito? Baka kung anong isipin ng mga tao rito!
"Pumunta ka lang po sa itaas at makikita mo po 'yong kwarto niya." tumango ako at sumunod. Nanginginig ang binti ko habang humahakbang papunta sa kwarto niya. Lintik anong sasabihin ko?! Nakatayo lang ako sa harapan ng kwarto niya at nakatulala. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi!
Napasabunot ako sa buhok ko ng hindi bumukas ang pinto. Kanina pa ako nakatayo at katok ng katok dito! Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pintuan. Hindi ito naka lock kaya pumasok ako.
Pagkapasok ko pa lang lamig ng aircon ang sumalubong sa akin. Nahanap kaagad ng mata ko siya. Nakasandal siya sa swivel at naka sarado ang mga mata. Nilibot ko muna ang tingin sa kabooan ng kwarto niya. May malaking TV sa harap at libro. Sa harap naman ng kaniyang TV ay isang king size bed at sa may gilid ang kanyang acrylic table at lamp. May isang kwarto din na tingin ko ay walk-in closet niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Medyo magulo ang buhok niya at ang kaniyang suot ngayon. Magulo din ang study desk niya nagkalat ang mga papeles. Madami siyang tinignan na design.
"Please... stop." he said. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Nanaginip siya! Nanginginig ang mga kamat niya at paulit-ulit na umiiling.
"No!"
"Daile! Wake up!" niyugyog ko ang balikat niya. Napamulat siya sa mata niya at nahugot ang hininga. Napakurapkurap siya at kumunot ang noo ng makita ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/265735850-288-k57668.jpg)
YOU ARE READING
Be with You
RomanceJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.