Chapter three

28 4 0
                                    


Nanalo kami kahapon at nag pag decisionan nilang mag bar para doon mag celebrate. Pumayag naman sila Mama. Late na ako naka uwi kagabi mga alas dose na ng gabi, buti tulog na sila Mama paguwi ko. 


"Plavin gumising ka na anong oras na oh! Nakong batang ito talaga ang hirap gisingin!" napatakip kaagad ako sa tainga ko dahil sa sigaw niya. Tinaas ko 'yong kumot at hindi siya pinansin. Ayaw ko pang bumangon kasi ang sakit ng ulo ko. 


Hindi ko nga alam kung sino ang naghatid sa amin pauwi basta ang natandaan ko lang umuwi akong umiikot ang paningin. Si Stacey? Ewan ko kung nakauwi ba siya o kung hindi ba siya lasing. 


"Ayaw mo talaga gumising Plavin isa!" banta niya kaya napabangon tuloy ako kasi alam ko na kung anong susunod. "Bar pa, Plavin Daem." mahina niyang tinampal ang braso ko. 


"Ito nga gigising na, bakit mo ba ako ginising ng maaga wala naman akong klase ngayon, Ma." sabi ko sabay balik sa pagkahiga dahil mabigat parin ang ulo ko. 


"So ayaw mong sumama sakin pupunta ng mall? Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong niya. Tatalikod na sana siya sa akin ng magsalita ako. 


Ngumiti ako sa kaniya. "Alas dose po, Ma. Ito naman si Mama di ma biro ito na po li-ligo na po." sabi ko at pinilit ang sarili bumangon. Inirapan lang niya ako at lumabas na sa kwarto ko. Dali-dali akong tumayo kahit masakit pa rin ang ulo ko. Diretsa kong niligo ang malamig na tubig sa katawan para bawasan ang antok. Pagkatapos kong maligo nag bihis na ako at bumaba na para kumain. 


"Good morning Pa." bati ko at humalik sa pisngi ni Papa. 


"Good morning anak, anong oras ka umuwi kagabi?" tanong niya. Kinuha ko ang upuan ko at kumuha na ng kanin. "Congrats pala anak sobrang proud kami sa 'yo." malawak siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko. 


"Alas dose po Pa, hindi naman ako uminom ng marami at hinatid kami ng ka-klase ko." paliwanag ko. "Thank you Pa, sana nandon kayo para napanood niyo ang peformance namin." 


"Gusto namin pumunta kahapon, Plavin pero sobrang busy talaga kami ng Papa mo." sagot ni Mama. 


"Okay lang 'yon, Ma. Ililibre mo naman ako ngayon 'di ba?" ngumisi ako. Tumawa lang si Mama saka mahinang sinundot ang tagiliran ko. 


"Nga pala... kasama mo ba diyan si Stacey sa sasalihan niyo?" tanong ni Mama. Sinabi ko kasi sa kanila 'yong malaki naming kompetisyon na sinabi ni Coach sa amin kahapon. Wala naman silang problema sa pagsasayaw ko basta hindi ko lang daw pababayaan 'yong pag-aaral ko.


"Hindi po, Ma, dalawa lang po kami ngayon nasasali." kumunot ang noo nila Papa at Mama.


"Dalawa bago to ah, sinong partner mo dito, lalaki?" tanong ni Papa kaya tumango ako.


"Si Redgen po, Pa. Bagong membro po namin sa groupo." napatigil sila pagkain at nagka tinginan. Umiling si Papa at hindi na nagtanong. Pagkatapos namin mag agahan ay pumunta na kami ni Mama sa mall para ma ka pag grocery. Bumili din ako ng mga damit kagaya ng oversized shirt, hoodie, pantalon, at sapatos.

Be with YouWhere stories live. Discover now