DISCLAIMER: The thesis or the problem I've mentioned below is not affiliated with real-life thesis defense. Understand it at your own risk.
:)
"Bukas na ang defense natin handa na ba kayo?" tanong ko sa mga ka groupo.
Natapos na din namin ang thesis namin mahigit tatlong buwan namin pinaghandaan at aralan. Konting tiis na lang ga-graduate na kaming lahat.
"Medyo nanatakot at kinakabahan." sambit ni Hazel. Hinawakan ko ang mga kamay nila at ngumiti. Hinigpitan din nila ang hawak sa kamay ko.
"Okay lang kabahan at matakot basta't huwag niyo lang i-isipin na hindi niyo kaya okay? Kasi kaya natin 'to. Tiwala lang." pampapalakas loob ko sa kanila. Ngumiti sila saka nag group hug kami. Kinuha namin ang mga gamit namin para maka uwi na. Late na kasi 11 o'clock na ng gabi nag text naman ako nila Mama. Nagpaalam na kami sa Mama ni Janine sa kaniya bago tumuloy na.
"Ah Lav mauna ka na may pupuntahan pa kasi ako." kumunot ang noo ko sa narinig. Sa ganitong oras?
"San naman? Sasamahan kita." umiling siya.
"Huwag na, Lav. Sige alis na ako, bye ingat ka!" yumakap siya sa akin bago umalis. Gusto ko man na sundan siya pero hindi ko na lang ginawa dahil panigurado magagalit 'yon sa akin. Pagkauwi ko sa bahay ay tulog na sila mama at Papa. Dinala ko na lang ang pagkain sa kwarto kasi may tatapusin pa ako.
Busy ako pagsasagot sa libro namin ng tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Stacey pero hindi pala.
Daile: Still up?
Muntik ko ng makalimutan may deal pala kami! Hindi naman siya nag text sa akin ng ilang araw kaya nakalimutan ko din!
Ako: Bakit?
Sinara ko na ang libro at humiga sa kama. Malapit naman akong matapos sa assignment ko kaya bukas ko na lang tatapusin. Isa pa pagod na ako.
Daile: Busy?
Ako: Hindi naman. Patulog na.
Daile: Same, how's your day?
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
Ako: Okay lang medyo stress kasi ang daming ginagawa, Ikaw?
Daile: Fine then, I think we should sleep na, it's late. I'm sorry to bother you.
Ako: Ano ka ba, okay lang 'yon. Sige, good night Daile.
Hindi ko nahintay ang reply niya dahil nakatulog na talaga ako.
YOU ARE READING
Be with You
RomanceJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.