Chapter twelve

18 1 0
                                        

"Pa, heto oh." sabi ko sabay bigay sa kaniya ng pera. 


Nakuha na kasi ang sweldo ko kahapon kaya bumili ako ng mga kakailanganin sa bahay at gamot ni Papa. Mayroon naman natira para sa akin sakto at may babayarin sa eskwelahan. 


"Anak, 'wag na, sa 'yo na yan. May pera naman ako rito galing bigay ng Tita mo." sabi ni Papa. 


"Pa, may natira naman sa akin at tinabi ko po talaga 'yan para sa 'yo." sabi ko at kinuha ang kamay niya para ako na ang maglagay ng pera. Lumambot ang mukha ni papa at hinigit ako para mayakap. 


"Salamat anak," sabi ni Papa at hinalikan ako sa pisngi. 


"Wala ba akong yakap diyan?" singit ni Mama pagdating sa bahay. Nagulat ako ng makita siya dahil hindi ko na siya nakikita. 


"Namiss ho kita ma." sabi ko habang nakayakap sa kaniya. 


"Namiss ko din anak. Kamusta na ang pakiramdam mo, Max?"  kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Max? Kailan pa niya tinawag si Papa sa pangalan niya? 


"Maayos naman, Louisa." sagot din ni Papa, nakaiwas ng tingin ni Mama. Mas lalong kumunot ang noo ko. 


May problema ba sila? 


"Ikaw, Plavin kamusta ang trabaho at pag-aaral mo?" tanong ni Mama. 


"Okay lang po, Ma. Kayo po kamusta ka?" tanong ko. 


"Okay lang si Mama, anak. Pumunta lang ako rito para sabihin sa 'yo na nabayaran ko na ang remaining balance mo pati na din sa pictorial mo." pinaalam ni Mama sa akin. 


"Talaga po? Salamat, Ma. Mahal kita!" sabi ko at humalik sa pisngi niya. 


"Mahal din kita, anak. Aalis na ako, ha? Mag-iingat kayo. Max, may binili na akong gamot para sa 'yo." sabi ni Mama at bumaling ulit sa akin. "Nandoon 'yon sa cabinet, Plavin." 


"Aalis ka na po? Ang bilis naman ata, Ma..." nagtatampo kong sabi. 


"May lakad pa kasi ako, anak. Tawagan mo na lang ako, okay? Alis na ako." yumakap si Mama si akin at bumeso lang si Mama kay Papa tapos umalis na. 


Nakita kong kumuyom ang kamao ni Papa at napaiwas ng tingin. 


"Pa? May problema kayo ni Mama?" tanong ko kasi sa totoo lang naguguluhan na ako sa nangyayari sa kanila. Bakit sa imbes na magkaayos sila eh mas lalong lumala? 


"Oo naman, anak. Magpapahinga lang muna ako sa itaas, anak." paalam ni Papa at ginulo ang buhok ko. 


Tinapos ko na lang ang last project ko bago ako matulog kinagabihan. Maaga ako nagising dahil may pictorial kami ngayon. Ilang araw na lang ga-graduate na talaga ako. Habang abala ako sa pag-aayos ng gamit ay biglang tumunog ang cellphone ko. 

Be with YouWhere stories live. Discover now