Maaga akong nagising para makapagluto ng umagahan namin. Linggo ngayon kaya magsisimba kami nila Mama.
Nagluto ako ng hotdog, ham, at fried rice. Pagkatapos ko maghanda ng pagkain ay umakyat na ako sa kwarto nila para tawagin. Naabutan ko si Papa nakaupo sa kama, malalim ang iniisip.
"Pa?" nagtatakhang tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako at umaayos ng upo.
"Nandiyan ka pala anak. Upo ka." sabi niya at tinapik ang kama.
"Nasaan si Mama?" tanong ko, nakaupo sa tabi niya.
"Maaga kasi siyang umalis anak eh, tayo na lang ang magsisimba?" sabi ni Papa saka ginulo ang buhok ko.
"Sige po, kain tayo nagluto po ako." sabi ko saka tumayo.
Bumaba na kami para makakain. Pagkatapos namin kumain ay naligo na ko para sa lakad namin mamaya. Nagbihis ako ng isang kulay puti na dress na hanggang baba nang aking tuhod at sandals. Hindi na ako nag abalang lagyan nang make up ang mukha ko.
"Ang blooming ah!" pagpupuri ni Papa.
"Maliit na bagay lang po, Pa." biro kaya napatawa siya. Umalis na kaming bahay para pumunta sa simabahan.
Sobrang ganda nag homily ni father kanina. Tungkol sa relasyon. Sabi niya hindi dapat minamadali ang pag-ibig dahil kong para sa iyo dadating din ang oras na ang sa 'yo. Kung ang taong minamadali ka sa lahat hindi daw 'yon pag-ibig, pagnanasa ang tawag dun. Hindi minamadali ang lahat dahil may plano ang Panginoon sa atin. Dapat tayo magtiwala at maghintay ang para sa atin.
Bakit naman minamadali ang lahat kung kaya mo naman maghintay, hindi diba? Dadating at dadating ang para sa atin. Madami pa tayong pagsubok na dadaanin. Hindi dapat minamadali ang lahat.
Pagkatapos namin magsimba ay umuwi ka agad kami dahil may gagawin pa si Papa. Busy ako sa pag aayos ng kwarto ng tumunog ang cellphone ko.
Daile: Hi. What are you doing?
Tumigil ako sa pag-aayos at nag tipa ng sagot.
Ako: Naglilinis, Ikaw?
Daile: Nothing. Lying in the bed thinking of you.
Napairap ako sa hangin dahil sa banat niya.
Ako: Kaya pala. Hindi ako makatulog.
Daile: So, are you also thinking of me?
Hindi ko alam ang isasagot dahil totoo naman na siya ang iniisip ko.
Ako: Bakit naman kita iisipin? Finals ka ba?
Umupo ako sa kama at naghintay sa reply niya.
YOU ARE READING
Be with You
RomanceJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.