"Tama na! Ang drama na natin! Pinapunta kita rito dahil bored ako hindi dahil para makig dramahan!" asik ni Stacey habang pinupunasan ang luha.
"Ikaw tong oa eh!" asik ko din. Tumayo siya para pumunta sa kusina.
"Gawa tayo ng carbonara. Kumakain ka ba non?" tumango ako. Siyempre naman mahilig ako sa mga pasta foods.
"Oo naman. May ingredients ka ba diyan?" tumango siya at binuksan ang ref.
"Yup, gagawa talaga ako ngayon kaya nga pinapunta kita rito dahil para tulungan ako." sabi niya sbaay nag kibit balikat.
"Diba ang bisita hindi pina patulong?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Huwag kang senyora diyan, hoy! Tumayo ka na at tulungan mo na ako!" tumawa ako at kinuha ang apron na binigay niya sa akin. Inihanda namin lahat ng ingredients at nagsimula na. Habang gumagawa kami ay nagpatutog si Stacey para raw hindi boring.
"Eyyy!" sabay naming hiyaw ng magkasabay kaming ginalaw ang katawan. Sumayaw muna kami habang hinihintay lumambot ang pasta.
"Gawin natin ng choreo ang sinayaw natin, Lav." mungkahi ni Stacey. Napaisip ako.
"Pwede naman para maituro natin 'to nila Denis." tumango siya. Saktong din na malambot na ang pasta.
Pagkatapos namin maluto ang carbonara ay nilagay na namin 'yon sa malaking plato at sabay kaming pumunta sa mesa para doon kumain.
"Ciy smile!" saad ko at tinaas ang camera para kunan siya ng litrato. Sobrang dami namin nakuha na picture may instax din siya na dala. Dahil kami ang tao sa bahay nila nag vlog din kami dahil dagdag memories nadin.
Pagkatapos naming kumain at manghugas ng plato ay nagpahinga na kami sa sofa.
"So kamusta kayo ni Daile?" tanong niya bigla. Napatigil ako sa pagtingin ng litrato saka napabling sa kaniya. Hindi ko nga pala siya nasabihan tungkol kanina.
"Nagkita kami ngayong umaga habang nag jojogging ako. Niyaya nga ako mag breakfast pero tumanggi ako dahil family bonding namin ngayon nila Mama." nanghihinayang kong sabi.
Tumili siya. "Gurl tadhana nga naman! Paano ka na niyan maka move on?" tumaas ang kilay niya.
"Hindi ko alam?" hinding sigurado kong sabi. Sa totoo lang hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang ay wala akong ideya sa ganon dahil nasa pag-aaral ang focus ko. Isa hindi pa nga ako college at siya 2nd year college na pero mas advance nga lang kami. Dahil graduating na kami this year at sila ay kakastart lang nila ng kanilang klase.
Pagkatapos namin mag chikahan ay umuwi na ako dahil may tatapusin pa siya raw na project. Naguguluhan nga ako kay Stacey eh... ang dami niyang sinasagutan halos lahat ng 'yon ay math. Madami din siya na pending na projects na lahat ng 'yon natapos ko na.
Hindi na kami magkaklase ni Stacey ngayong 2nd sem dahil nasa higher section na ako. Hindi kasi umaabot ang average niya kaya nasa lower section na siya ngayon. Nagsabi kasi siya sa akin na nagkasagutan raw sila ng Mama niya. Sinabihan ko siya na makig-ayos sa Mama niya at sinabi niya naman sa akin na gagawin niya raw.

YOU ARE READING
Be with You
RomansJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.