Last day
Hindi na kami masyadong busy ngayon dahil 2 months nalang post-graduate na namin. Hindi ako excited dahil wala doon si Papa. Hindi niya masaksihan ang pinakakahihintay niyang makita ako.
"Tara cafeteria, tayo." aya ni Tes. Kaming dalawa ang magkakasama ngayon since same kami ng department.
"Dito ka lang mag i-intern, Plavin?" tanong ni Tes habang sumipsip sa kape niya.
"Oo eh, pero hindi siguro ako dito mag re-residency." sabi ko. Sa totoo lang ayaw ko na dito sa GIMU dahil sobrang dami na nangyari dito at isa pa unti-unti din nadin humina ang hospital nila.
"Saan?" tanong niya.
"Pinag iisipan ko pa. Ikaw saan ka?" tanong ko din.
"Mag a-abroad ako, Plavin. Natanggap kasi ako doon bilang intern nila." wika niya. Masaya ako para sa kaniya dahil ang malaki na 'yon na opportunity. Pero malungkot ako dahil maghihiwalay na kami. Wala akong favoritism dahil silang anim mahal ko.
"Congrats, Tes! Sobrang happy ko para sa 'yo!" pilit kong maging masaya para sa kaniya.
"Thank you, Plavin. Ikaw ba? Ayaw mong mag abroad?" tanong niya.
"Hindi ko pa din alam eh, mamaya na 'yan kapag doktora na talaga ako." tumawa ako.
"Basta kapag may plano ka sabihan mo lang ako. Ako ang bahala sa 'yo." ngumiti siya.
"Sabi mo 'yan ha! Tatandaan ko ang sinabi mo. Kapag hindi talaga kukurutin kita sa tagiliran." banta ko kaya mas lalo siyang tumawa.
"Oo nga! Para naman hindi kita best friend!" wika niya.
"Sige tatawagan kita kapag gusto kong mag abroad." Sabi ko. Tumango siya at sinabing bumalik na kami sa rounds namin.
"Finally, makapagpahinga na ako." Sabi ni Je ng at umupo sa sofa kung saan kami nakaupong anim. May mga reviewers pa kaming dala dahil nag re-review kami.
Nakatulog din kami dahil binabawi namin ang mga tulog namin. Wala na kaming pake kung anong posisyon naming basta makapagpahinga lang. Nagising lang ako ng mag vibrate ang cellphone ko.
Daile: Are you busy? I'm outside in the hospital.
Maingat akong tumayo para hindi madistorbo ang tulog nila at lumabas na. Lumabas ako ng hospital at nakita ko si Daile nakasandal sa hood ng kotse niya. Napaayos kaagad siya ng tayo ng makita ako.
Nakatitigan lang kaming dalawa habang tahimik binabasa ang ekspresyon. Humalukipkip ako at tinasaan siya ng kilay. He looked he never slept just like me. His dark circles are deep.
"What?" mataray kong sabi.
"How are you?" panimula niya.
YOU ARE READING
Be with You
RomanceJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.