Chapter eleven

14 1 0
                                    

"Bukas kana mag sisimula. 5PM ang in mo at 12AM ang out mo. Okay lang ba sa 'yo 'yon? Pwede ka ng mag start bukas." sabi ng manager. 


Nag apply ako sa isang restaurant bilang cashier dahil ito lang vacant nila. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako tutulong, tutulong din ako sa mga gawain kapag wala na ng nag-oorder. Kontin lang kasi ang mga tao nila dito kaya double kayod kami sa trabaho namin dito. 


"Yes, po maam. Maraming salamat po talaga, maam." pasasalamat ko dahil ikawalong na 'tong fast food na inaapplyan ko. Tipid siyang tumango at umalis na.


Pagkalabas ko ay nakita ko ang kotse ni Daile. Kumaway ako ng binaba niya ang bintana. Lihim akong napangiti. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kami na. Noon tinitignan ko lang siya pero ngayon nakakayakap na at nahahawakan na.


Para isang gamit na gustong gutso mo at ngayon nasayo na ang sarap sa feeling na nakuha mo talaga. 


"How's your day, love? Did you got in?" tanong niya pagkapasok ko sa kotse. Hatid sundo niya ako araw-araw kaya nga nahihiya na ako dahil ang mahal na ng gas ngayon! Pero sabi niya na okay lang raw na tumaas dahil kaya niya naman ang presyo ang importante raw mahatid at masundo niya ako araw-araw.


Ang corny niya talaga minsan! Minsan nga natatawa ako sa mga banat niya para sa akin dahil napaka corny talaga! Halos araw-araw na nga niya akong pinapatawa. 


"Pagod lang at oo sa wakas nakapasok din. Kailangan ko lang talaga nang pagkikitaan." pag-aamin ko. Hindi ko naman kinakahihiya na mahirap ako at siya mayaman. Wala naman kaming pake sa mga pinagsasabi ng mga tao. Ang mahalaga sa amin mahal namin ang isat-isa. 


Hindi ko naman ginusto maging mahirap. Hindi din niya ginusto maging mayaman.


"Great. It's nice to hear that, love, and I know you can do it." nakangiting sabi niya. Binuhay na niya ang makina at umalis na. 


Kahit na pagod ako ay kaya ko pa din ngumiti para sa kaniya. Ayoko siyang maapektuhan sa kinikilos ko. Makita at mayakap ko lang siya sapat na sa akin 'yon para maibsan ang pagod ko.


"Thank you love, for always believing me." marahan sabi ko habang nakasandal sa braso niya. 


"I'll always believe in you, love. I'm rooting for you always." marahan na sabi din niya saka humalik sa tuktok ng ulo ko. 


"Are you hungry hmm?" tanong niya. 


"Hindi naman. Ihatid mo lang ako sa amin, love." pagod na sabi ko. Pagod talaga ako ngayon dahil buong hapon ako naghanap nang trabaho. Halfday lang kasi ang klase namin kasi may meeting.


"You sure? We can drive thru." suhestiyon niya. Tumango na lang ako kasi baka gutom din siya. Isa pa ayaw ko siyang gumastos pa lagi niya kasi ako dinadala sa mga mamahaling restaurant kaya minsan nahihiya na ako sa kaniya. Pero hindi ibig sabihin non na siya na ang gumagastos lahat. Pumayag naman din siya na maghahati kami sa bayad.


"Okay, ikaw ba gutom ka na?" tanong ko.


"Yeah, I forgot to eat because I was busy reviewing." sagot niya. Sinuklay ko ang mahabang niyang buhok gamit ang aking kamay. Gusto ko talaga sinusuklay ang buhok niya dahil sa sobrang kinis nito at straight. Napaka healthy naman ng hair. 

Be with YouWhere stories live. Discover now