Chapter nine

22 1 0
                                    

"Shuta ka gurl! Bakit hanggang kiss lang?" asik ni Stacey. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon. 


Hindi ko ngan din alam kung paano akong nakauwi ng maayos sa bahay. Basta ang alam ko pagkatapos niya akong hinalikan sakto din na may message si Mama, pinapauwi ako dahil may pupuntahan kami. 


"Tumigil ka nga sa pagtili! Ang sakit pakinggan ang boses mo tainga!" asik ko din. Lumayo ako sa kaniya ng konti dahil parang mabibingi na ako sa kakasigaw niya. 


"Sabihin mo na kasi nabitik ka!" tukso niya. Sinamaan ko siya ng tingin at binato siya ng unan. Hindi siya nakaktulong! Mas lalo lang niya pinapapula ang mukha ko! 


"Bruha ka! Hindi ka nakakatulong!" saway ko sa kaniya kaya mas lalo siyang tumawa. 


"Aminin mo na kasi! Halata naman diyan sa mukha mo, oh!" natatawang sabi niya at tinuro ang mukha ko. 


"Bahala ka na nga diyan! Kakain na ako!" suway ko. Lumabas na kami ng kwarto niya at saka pumunta sa kusina. Nandito ako sa kanila ngayon dahil umalis si Tita kaya pinapunta niya ako rito. 


Nagluto kami ng calamares at fried rice. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami nila Mama para makapagpaalam sa kanila na sa bahay ako nila Stacey matutulog.


"Stacey, Plavin hali kayo," sambit ni Papa. Pumunta ako sa kanila para yumakap saka humalik sa pisngi nila. 


"Kamusta po kayo? Tita,Tito?" tanong ni Stacey ng makalapit sa kanila. 


"Okay lang naman, hija. Pogi pa rin." sagot ni Papa at kumindat. Tumawa kaming tatlo sa sinabi niya. 


"Kamusta ang trabaho, Pa? Dami bang bumili?" tanong ko. Sinabi niya kasi sa amin na medyo humina na raw ang bakery nila kasi wala na masyadong bumibili. 


"Oo, malaki-laki ang kita ngayon." sagot ni Papa. Bumalik na si Mama at may dala na burger at juice. 


"Dito na lang tayo matulog Lav." singit ni Stacey. Napatigil ako sa pagkain ng burger at nilingon siya. 


"Seryoso ka ba?" sabi ko, sinisiguro lang. 


"Oo naman, diba sabi mo pupunta bukas dito ang kaibigan nang pinsan mo?" saad niya. 


"Oo, pero sige! Pero sa sofa ka matutulog, ha?" biro ko. Tumigil siya sa pagkain ng burger niya at sinamaan ako ng tingin. 


"Tita, tignan niyo oh! Ang sama!" pagsusumbog ni Stacey nila Mama. Tumawa lang kami at nagpatuloy sa pagkwentuhan. Umalis muna kami ni Stacey saglit para bumibili ng gamit para sa projects namin. 


Mga around 8 o'clock na kami nakauwi. Pagdating namin sa bahay nasa kwarto na sila Mama at Papa. Naligo na kami ni Stacey pagkatapos at nag skincare. 


"Ang saya niyo noh? Lav," mahinang sabi niya. Nasa kama na kami ngayon nagkwekwentuhan lang. 


Be with YouWhere stories live. Discover now