Chapter six

25 2 0
                                    

Madalas na ang aming pagkikita ni Daile at lagi din akong pumupunta sa condo niya para maka pag practice at konti nalang at makakabisado na namin ang sasayawin. 


Konti nalang din para tuluyan na akong mahulog dahil sa araw-araw namin pagkikita iba siya sa akin at iba din siya sa ibang tao. Sana nga hindi siya mag bago. 


Sobrang pagod na pagod ako ngayon dahil kakagaling ko lang sa practice namin at dumeritso  ako rito. May project pa akong tatapusin sa bahay. Grabe talaga kapag graduating students dahil araw-araw may ipapagawa sila. 


"Bihis muna ako." paalam ko pagkatapos ng ilang minutong pahinga. Pagkalabas ko ay narinig ko siyang may kinakausap sa cellphone. Hindi muna ako lumabas at nakinig. 


Pero pinagsisihan kong narinig ko pa... 


"As usual practicing... yeah I'm with her... what no! You know that I treat my girlfriends like this whatever... yeah she's my friend, only friend stop what you were thinking...  bye." binaba na niya ang tawag at napailing-iling. 


Medyo kumirot ang  puso ko sa sinabi niya kaibigan lang pala ang turing niya sa akin. Ang sakit lang kasi umasa ako na sana mayroon... dahil sa mga pinapakita niya nong time na mag kasama kami... pero ako lang pala ang nahuhulog na. Kasalanan ko naman kasi... kung bakit ako umasa. 


"Aalis na ako." walang ganang sabi ko. Kinuha ko ang duffle bag para sana aalis na ng hinawakan niya ako sa braso. Napatingin ako sa hawak niya sa braso ko. I felt something that I shouldn't feel right now. 


"Is everything okay?" nalilitong tanong niya. Tumango lang ako saka binawi ang braso. 


"Oo. Aalis na ako may gagawin pa kasi ako." tinignan niya ako ng mariin bago bumuntonghininga. 


"Wait, I'll drive you home." pahabol niya sabay kuha ng susi sa sasakyan niya. 


Umiling ako. Wag muna ngayon. Hindi ko ata kakayanin kung ihahatid niya pa ako pauwi. 


"Hindi na, naka pag book na ako ng grab. Thank you sa offer." tipid akong ngumiti at kumaway. 


Pagkalabas ko ay nanghihina ang katawan ko. Hindi ko alam bakit ganito ang epekto niya sa akin. Kailangan mo pang makatapos Plavin. Paala ko sa sarili. 


Hindi ko namalayan ay nasa tapat na ako ng bahay namin. Nag pasalamat ako kay kuya driver at lumabas na. Rinig ko ang tawa ni Mama mula sa kusina. Tumigil sila pag-uusap at tumingin sa 'kin.


"Oh nandiyan kana pala kumain kana anak?" umiling ako. Humalik ako sa pisngi nila. 


"Wala pa po, Pa." sagot ko sabay kuha ng upuan. Hindi parin nila inaalis ang titig sa akin. Nginitian ko sila para iparating na okay lang ako. 


"Anong problema Plavin?" tanong ni Mama pero umiling ako. Nahalata niya siguro na ang tahimik ko.


Be with YouWhere stories live. Discover now