Ang hirap. 1st year at second semester pa lang ako pero parang gusto ko ng umatras at mag shift ng course. Grabe ang hirap pala ng biology. Na overwhelm ako sa mga subjects ko dahil sa sobrang dami. Second year college pa din si Daile pero second sem na sila magtatapos ata ang klase nila next month.
Hindi na din ako nagpa-part time dahil hindi na kaya sa oras ko. Inaalagaan ko pa si Papa pagdating ko sa bahay at kailangan ko pang mag-aral dahil kailangan kong i-maintain ang grades ko kasi kung may below 1.25 (90-92) average ay automatic matatanggal ako sa iskolar.
"Hii." bati nong katabi ko. Ilang months na ako dito pero wala pa akong naging close friend. Hindi muna ako nag renta ng apartment dahil walang mag-aalaga kay Papa. Si Tita naman may trabaho si Mama... minsan na lang umuuwi.
Kahit malayo man ang bahay namin dito kinakaya ko pa din. Gusto ni Daile na i-hatid sundo parin ako gaya noon pero hindi ako sumang-ayon. Ang layo na dito 4 hours ang byahe papunta dito.
"Hello," nakangiting bati ko. Nasa library ako ngayon nag-aaral dahil may quiz kami mamaya sa genetics.
"What's your name? Can I sit?" tanong ng magandang babae. Same kami naka white uniform tapos white slacks. I think ka block ko siya.
"Yes, upo ka." sabi ko. Umupo siya harapan ko at nakangiti pa rin.
Grabe ang ganda niya. Ang ganda ng kulay brown niyang mata at tsaka naka braces pa siya.
"Plavin, Ikaw anong pangalan mo?" alok ko ng kamay.
"Jelena, nice to meet you." nakangiti siya habang tinatanggap ang kamay ko.
"Anong section ka?" tanong ko.
"Section 1." sabi niya at nilabas ang libro ng genetics.
"Kaklase pala tayo! Hindi kita namumukaan, ah?" sabi ko habang inaalala kung nakita ko na siya.
"Is because you were so focused on your studies. " natatawang sabi niya.
"Talaga ba? Kailangan ko kasing ma-maintain ang grades ko dahil iskolar ako dito." sabi ko.
"I see, kaya pala hindi ka masyado nakakihalubilo sa amin." sabi niya at nilabas ang highlighter. Grabe pati bag mamahalin. Guess.
Natahimik kami kaya bumalik ulit ako sa pag-aaral. Nilabas ko din ang mga highlighters ko at nagsimula na mag annotate. Habang abala ako sa pag-aaral bigla siya nagsalita.
"Tara kain tayo?" aya niya. Napakunot ang noo ko.
"Anong oras na ba?" tanong ko.
"It's already lunch time! Come on let's eat!" sabi niya at hinatak ako patayo. Nagulat ako sa ginawa niya napakabait niya naman? I mean first time pa lang magkakilala. Pumasok kami sa cafeteria at humanap ng upuan. Marami ang tao dito dahil lunch time na.
![](https://img.wattpad.com/cover/265735850-288-k57668.jpg)
YOU ARE READING
Be with You
Roman d'amourJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.