Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na na din kami sa buong choreo. Hindi naman siya mahirap turuan. Pero may ibang steps din na nahihirapan siya pero basic steps lang naman. Hindi talaga lahat ng steps ay madali sauluhin pero kapag hindi sanay ang iyong paa o katawan sa pagsaasayaw mahihirapn ka talaga.
Sa pagsasayaw kasi hindi lahat puro galaw lang sa itaas ng katawan mo dapat lahat ng parte ng katawan mo ay dapat igalaw para mas maganda tignan. Hindi rin basta basta ang pagsasayaw dapat maisaulo mo ng maigi ang mga basic steps para mas masanay ka pa. But after all dancing is something you have dreamed about. It is a talent that you be confident of. It's a really huge achievements to us.
"Thank you po ate Plavin! Ang galing niyo po talagang sumayaw!" ngumiti ako at pinunasan ang pawis.
"Salamat naman. Kabisado mo na ba ang basic steps na itinuro ko?" tumango siya. 5 o'clock na kami natapos kasi nagsimula kami ng 1 o'clock.
"Ate plavin pwede po pa favor?"
"Sige ano yon?" sagot ko. Nagisip mun siya bago nagsalita.
"Ano po eh... gusto din po ng best friend ko matuto sumayaw so okay lang po ba? Kung i-sasali ko siya rito?" ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Oo naman, mag chat lang ka sa akin okay?" lumiwanag ang mukha niya at niyakap ako.
"Talaga po? Thank you po! Alis na po ako ate baka hinahanap na ako sa amin." sabi niya sabay kuha ng bag niya.
"Sige mag ingat ka okay?" kumaway siya sa akin at lumabas na sa bahay namin.
Medyo nabitin ako kanina kaya sumayaw ulit ako. Alas otso na ng gabi ako natapos ako dahil naka gawa din ako ng choreo. Tinawag na ako nila mama para kumain.
"Oh kamusta ang pag sasayaw niyo?" tanong ni Papa. Kumuha ako ng isang tocino at rice at nilagay 'yon sa plato ko.
"Okay lang po Pa. Masaya naman po kasama si Denis at hindi naman siya mahirap turuan." sagot ko habang kumakain. Tumango siya at iniba ni Papa ang topic tungkol sa kung ano ano.
"Bumili ako ng ice cream pag uwi ko kasi naka promo." saad ni Mama pag dating sa bahay na may dalang plastic bag na ang laman ay ice cream. Dali dali akong tumakbo para puntahan siya.
"Walang solo nito Ma?" tanong ko. Mukhang gusto ko ata manood ng movie ngayon dahil may dala siya na ice cream. Sakto tapos na ako kumain.
"Meron binili ko para sayo." lumiwanag ang mukha ko saka kinuha 'yon.
"Akyat na ako Ma! Manonood ako ng movies. Good night po Ma, Pa." humalik ako pisngi nila.
Nanood lang ako ng isang documentary. Mahilig talaga ako sa documentary ewan ko ba ang thrilling kasi eh. Pero ayaw ko maging abogado dahil hindi bagay sa akin maiyakin kasi ako. Konting sigaw lang maiiyak na ako or may umaaway sa akin. Ewan ko ba ang sensitive ko. Pagkatapos kong manood ay nakatulog din ako dahil naramdaman ko na ang antok.
YOU ARE READING
Be with You
RomanceJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.