Chapter seventeen

14 0 0
                                    

Mabigat ang talukap ng mata ko ng magising ako. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong nasa kwarto na ako nakahiga. Bumukas ang kwarto ko at niluwa 'yon si Je at Stacey.


"Kumain ka na, isang araw kang tulog." Sabi ni Stacey ng makalapit sa amin. Nagkakilala na si Stacey at Je noon pa at madali lang din sila nagkaibigan.


"I already informed the hospital about your situation." sabi din ni Je.


Napaluha na naman ako ng maalala ang nangyari. Totoo na ba talaga 'yon? Hindi lang ba 'to panaginip lahat? Bakit pa ako nagising kung hindi lang panaginip 'yon?


"Thank you... dahil nandiyan kayo." mahinang sabi ko. Medyo napapaos pa ang boses ko dahil sa pagsigaw ko kahapon.


Hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa kwarto ang tanging naalala ko lang ay sigaw lang ko ng sigaw at iyak ako ng iyak.


"Gusto mo bang ano..." hindi na tinuloy ni Stacey niya dahil alam ko naman kung anong sasabihin niya.


"Matutulog lang muna ako, Stacey." tanging nasabi ko lang.


Ayaw kong pumunta dahil baka hindi ko kayanin ulit... baka hindi pa ako nakakapasok ay bumitaw na ang mga tuhod ko. Hindi ko kaya... harapin siya... tinignan siya... sa kabaong niya.


Hindi ko kayang harapin ang mundo na wala na siya sa tabi ko. Kasi siya na lang ang nagbibigay sa akin ng lakas kung bakit hindi ako sumusuko sa pangrap ko. Pero ngayon na wala na siya... gumuho na ang pangarap ko kasi wala na ang taong pinakamahalaga sa akin na nagbibigay ng lakas para magpatuloy pa din ako.


"Hey, eat now," singit ni Je at binigay ang soup sa akin.


"Ikaw, Je? Kailangan ka doon sa hospital." sabi ko.


"It's okay. I wanted to be by your side... I promise to be there for you through ups and downs, remember?" wika ni Je at ngumiti.


"Thank you, Je." napangiti din ako. "Pero kailangan ka doon. Ayaw kong idamay ka sa problema ko... kahit man lang para sa akin, Je, pumasok ka, please?" pakiusap ko. Ayaw kong pati din siya maapektuhan sa nangyayari sa akin.


"But—" umiling ako.


"There's no but, Je. Just go and you can come back here anytime." I smiled, reassuringly. napabuntonghinga siya at tumayo.


"Okay. I will update you when I came back here." sabi niya. Nagpaalam na siya sa akin at kay Stacey bago umalis.


"Lav," tawag ni Stacey.


"Sorry..." naluluha nasabi ni Stacey.


"Bakit ka nag so-sorry?" naguguluhan na sabi ko.


"Kasi... wala ako sa tabi mo ng pinagdaanan mo 'to..." pumiyok ang boses niya. "Hindi man lang kita kinamusta, Lav... hindi kita tinanong kung kaya mo pa ba kung nahihirapan ka na ba."

Be with YouWhere stories live. Discover now