Chapter fourteen

18 0 0
                                    

Second year med-student na ako pero grabe mas mahirap pala dito compare sa college life ko. I graduated Magna Cum Laude in BS in Biology. Also, Je, graduated Magna Cum Laude. Best friend goals. Hindi ko ata makakaya ang college years kung wala siya. 


Hindi na kami masyadong nagkikita ni Stacey dahil busy na din siya sa pag-apply at lovelife niya. Naging maganda ang pakakaibigan namin ni Je, teamwork kami palagi pero hatid sundo niya pa din ako kasi sabi niya sabay na kami magre-renta ng apartment. 


Iskolar pa din ako sa GIMU. Noong graduation ko wala din si Mama simula nong na hospital si Papa minsan na siya dumadalaw sa amin. Mayroon na akong ideya kung bakit iba ang kinikilos ni Mama pero hindi ko siya pinangunahan. Maghihintay ako kung kailan niya sasabihin sa amin. 


"I miss you," bulong ko kay Daile ng kinuha niya ako sa GIMU. Graduate na din si Daile sa Architecture pero hindi pa siya nag take ng board dahil papasok pa siya sa flying school. Kaya medyo busy na namin sa isat' isa. 


Pero graduate din si Daile ng Magna Cum Laude. Wala ako sa graduation niya dahil may class ako non kaya nag celebrate nalang kami kinabukasan. 


"You look like you haven't slept." sabi ni Daile habang tinitigan ako. Halos wala na talaga akong tulog araw-araw dahil sa sobrang dami kong inaaral. Ang hirap pala may araw nga na parang ayaw ko ng pumasok pero sumagi sa isip ko si Papa. Pangrap niya maging doctor kaya kakayanin ko. 


"Which is true," mahinang sabi ko at sinandal ang ulo sa balikat niya. 


"Why don't you rest first?" suhestiyon ni Daile. 


Umiling ako. "Kailangan ko pang mag-aral para sa quiz namin sa pharmacology & toxicology." sagot ko at nilabas ang makapal na libro ko. Aakmang bubuksan ko sana ang libro ko ng hinarang ni Daile ang kamay niya sa libro ko. 


"Please sleep? You look so pale." pagkukulit ni Daile. Napabuntonghininga ako at binalik ang libro sa bag ko. 


"Okay, gisingin mo na lang ako kapag nakauwi na tayo." sabi ko saka sinandal ang ulo sa head rest. Tumango siya at pinaandar na ang sasakyan. 


Nagising lang ako ng hinaplos ni Daile ang mukha ko. Kinukusot ko ang mata ko para tignan kung nasaan kami nasa drive-thru kami ng Mcdo. 


"Anong oras na ba?" tanong ko. 


"It's 7 Pm, love. You should eat first since I figured you didn't eat your lunch earlier." wika niya. 


"Paano mo nalaman?" hindi talaga ako nakakain kanina dahil may quiz kami sa general pathology 1 at ang tagal natapos dahil ang taas ng quiz! 


"Kasi may laman ang lunchbox mo." sagot niya habang nagkasalubong ang kilay. 


"Galit ka ba? So--" umiling kaagad siya. 


"I'm not mad, okay? I'm just worried dahil kulang ka na nga ng tulog hindi ka pa kumakain sa saktong oras." bumuntonghininga siya. 

Be with YouWhere stories live. Discover now