"Pagod ka na?" sabi ko kay Je habanag nakaupo kami sa stretcher. Hindi namin alam kung paano namin nalampasan ang 3rd year med student. Basta ang alam na namin walang araw na hindi kami umiiyak.
Pero kung akala namin mahirap ang 3rd year mas mahirap sa 4th dahil mas stressing na. Para sa amin lang. Plus kailangan pa namin mag-aral para sa exam namin for interships. Hindi ko akalain na dito ko magagamit ang pagpupuyat ko.
"I want to give up, already." sinandal ni Je ang ulo niya sa balikat ko.
Tumawa ako. "Wala pa tayo sa kalahati, Je." sabi ko.
"May rounds pa tayo, Daem. Tara na." pagod na sabi ni Je saka tumayo. Kahit pagod na kami kailangan pa din namin asikasuhin ang mga pasyente namin.
"Kamusta po ang pakiramdam niyo?" tanong ko kay Lola.
"Mabuti naman, hija." sagot niya. Ngumiti ako saka tinignan ang charts niya. So far okay naman ang naging results ng CT scan niya at lab results. Umalis ako para tignan ang iba ko pang mga pasyenteng inaalagan.
Nasa lab naka assign si Je kaya hindi ko siya kasama ngayon. Tumitingin lang ako ng ibang charts habang wala akong ginagawa. Habang nagsusulat ako ay may biglang tumawag sa akin.
"Plavin?" tawag ni Clent. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakasimpleng t-shirt lang siya at pants.
"Clent," bati ko ng makalapit siya. Ang tagal na nong huli ko siyang nakita.
"Kamusta ka?" tanong niya.
"Heto pagod na pero laban lang." tipid akong ngumiti.
"Ikaw? kamusta ka?" tanong ko din sa kaniya.
"Okay lang naman. Matagal na pala nong huli kitang nakita at nakausap." sabi ni Clent.
"Oo nga eh. Kayo may work na habang ako nag-aaral pa din." biro ko.
Tumawa siya. "Uso pa ba tulog sa 'yo?" biro niya din.
"Hindi ko alam, 'yan." biro ko at tumawa.
"Anong ginagawa mo pala dito?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/265735850-288-k57668.jpg)
YOU ARE READING
Be with You
DragosteJust like that, he slept with one of my was closest friends. And he left me.