<Sarah's POV>
Okay. Sige. Ganito na lang Sarah.
Etong araw na 'to, lubusin mo ang pagpapantasya sa nakaraan nyo ni Gerald. Isipin mo sya ng sagad. Isipin mo na mayron pang kayo. Pero itago mo lang yan sa sarili mo. Sige lang, isipin mo kung gaano mo sya kamahal. Balikan mo lahat ng nakalipas sa inyong dalawa, lalo nung nanliligaw pa sya. Yung Babe Night sa Sarah G. Live mo, yung It Might Be You sa concert mo, LAHAT! Lubusin mo ngayong araw. Bahala na kung masaktan ka bukas, basta etong araw na 'to ang pinakahuling pagkakataon na magiging ganyan ka sa kanya. Basta pagdating bukas, walang malisya ang pagtingin mo kay Gerald. Eto na ang huling pagkakataon na magiging ganyan ka. Bukas, pilitin mong kalimutan sya. Bukas, dapat wala na ang laat ng sakit. Manghinayang ka ngayon, move on na bukas. Okay?
Okay. Game.
Dahil sa panata kong ito, nakita ko nga kung gaano nakakapanghinayang ang lahat sa amin ni Gerald. Namiss ko sya, lalo na yung pagiging sobrang gentleman nya. Hinalughog ko lahat sa internet. Sa YouTube, napanood ko yung MyChos Sasa Gege Show, pati yung Sasa & Gege Story, kung saan halos lahat ng memories naming dalawa nandoon. Haaay, grabeng memories 'to. Kakayanin ko pa kaya magmove on?
De, kaya ko 'to. Suus, ako pa. Eh, pinasok ko 'to eh. Pangako ko yun sa sarili ko eh.
De Sarah, kaya mo yan.
GO LANG NG GO!
Dumating na yung delivery ng 24/SG DVD. Uncut yung pinaorder ko--- I mean, pinagawa ko. Yung July 7 at July 21 concert lahat nandito. Nilagay ko agad yun sa laptop ko at pinanood.
Number 8.
"Time, I've been passing time watching trains go by.
All of my life, lying on the sand watching seabirds fly.
Wishing there would be someone waiting home for me.
Something's telling me it might be you...
It's telling me it must be you...
And I'm feeling it'll just be you...
All of my life..."
Sabay yung pagbaba ko, paikot sa lahat. Hanggang sa pinakahuli kong pinuntahan.
Namumula si Gerald. His arms are crossed in front of his chest, tila parang batang nagpapacute. Hahaha. Hinawakan ko yung kamay nya at hinila ko para lang sanang magpasalamat. Tapos bigla syang lumapit sa akin at tinitigan ako sa mata. Nakakatunaw sya. Kinantahan ko na lang muna sya ng saglit, kasi parang bagay yung kanta sa amin. :') Choss! Hahaha. Tinatago ko lang actually yung kilig ko this moment. Pag tinitignan ko sya, lagi syang nagpapacute! Pero bagay sa kanya. :3 Lumapit sya sa akin at bumulong. "Samahan na kita sa stage." Sabi ko hindi na. Pero ayaw nya paawat. Eh di inalalayan nya ako. Hawak ko pa rin yung kamay nya. Di pa kasi sya bumibitaw. Wala nga rin akong balak bumitaw e. As soon as possible sana marami pang tao na sumisiksik sa amin para magtagal kami dun. Ilang minuto ko rin sya hawak. Haaaay kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. >u<
Pero SARAH! Too much will kill you! -________________________-
"Sarah?"
Daddy?
Napatayo ako at sinara ang laptop ko. Lumabas ako kaagad.
Nag-bless ako kay daddy. "Kamusta po kayo ni Mommy? Ano pong nangyari sa Pampanga?"
Natahimik lang si daddy.
May nangyari kayang masama? >.<
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
<Gerald's POV>
"Here Ge oh, try this sushi."
"Ge oh, may tocino."
"Ge, may lumpia."
"Gusto mo ba ng chocolate mouse?"
Abot ng abot si Marlet ng pagkain sa plato ko. In fact, punung-puno na ito. Ang dami nyang dinalang pagkain. Eh, busog pa naman ako.
"Marlet, masakit ulo ko." Excuse ko para hindi kumain. Masakit talaga ang ulo ko dahil sa ingay nya, pati na rin sa problema ko sa kanila ni Sarah.
"Really, baby?" Minasahe nya ang ulo ko. "Naku, you must be stressed these times. Baka naman hindi ka kumakain, ha? Kumain ka. Ang dami kong dalang food for you. Baka naman marami kang problema?"
Hindi na ako makapagpigil. "MARLET IKAW ANG PROBLEMA KO!" Napasigaw ako sa sobrang pagkabadtrip. Maliban sa pagpupumilit nya, ayokong marinig ang sobrang pagkatinis ng boses nya.
Nagulat si Fred at Ate Nhila. Buti sila lang ang nandito at di pa pumapasok yung iba.
"Uh," Humiwalay sa akin si Marlet. "I'm sorry." Kinuha nya yung kutsara at nagsandok ng kanin. "Kumain ka-------"
"MARLET!" Napatayo ako sa inis. "Look I need space! Pagod na akong magpauit-ulit na ayoko. AYOKO. AYOKO!!! Saan sa word na ayoko ang hindi mo naiintindihan?!" >____________<
Napayuko sya. "I--I'm sorry." Kinuha nya yung bag nya. "I---I'd better go." She did.
Napaupo na ako. Haaaaay, medyo tumahimik ang paligid. >____<
"Gerald Randolph, bakit mo naman sinigawan si Marlet?"
"Ate Nhila, naiirita na ako!"
"O baka naman yan ang gawin mong excuse para breakan sya?"
Well, totoo. Oo na. Naiirita ako sa kanya dahil dapat si Sarah yung girlfriend ko ngayon: yung taong magmamasahe sa akin pag pagod ako, yung magdadala ng pagkain para sa akin, yung yayakap sa akin kapag pagod na ako... Haaaaaay namaaaaaaaaan. Hindi ko alam kung ano talaga ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Paano kung mangyari sa totoong buhay ang nangyari kay George, Melissa at Andrew? Di bale, ang nagkatuluyan lang naman ay si George at Andrew. :p Hahaha!
Haaaaaaay. As soon as posible bago matapos ang araw na 'to, maayos ko na ang lahat sa kanilang dalawa.
Practice muna ako sa monlogue ko. Eheheheheh.
Haaaaaaaay.
Nang dahil sa pag-ibig natutong
magtiis
Nang dahil sa pag-ibig
nagmamahal ng lubos
Ang puso kong ito ng di
umaasang
Tumbasan mo ang pag-ibig ko...
DRAMA, GE.
A/N: Sorry po na late to. Sa mobile lang po ako nag-update kahapon eh, di ko pala napublish. :3
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
Fiksi PenggemarKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.