Chapter Twenty

2.3K 21 2
                                    

Uhhhh... Di ba parang mas awkward tong ginagawa ko? Tss. Di ba tama naman tong ginagawa ko? Di ba tama lang na tapusin yung sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan nito? Diba pag naging friends na ulit kami, maiisip ko na naman na walang malisya ulit ang mga gagawin namin? Pag naging friends ulit kami, ibig sabihin lang non, mawawalan na ng pag-asa ulit na may pag-ibig chuchu. Eh di ba ang mga magkarelasyon nauuwi sa pagkakaibigan kapag naghihiwalayan? Teka, hoy Sarah! Makacompare naman!

Ilalayo ko na sana yung kamay ko ng bigla naman nyang hawakan. Oh my gee, pumayag na sya! Hala! Nagbubunyi ang buong katawan ko?

"Gerald. Gerald Anderson." Ngumiti sya.

Nagkunwari akong magstart.over again. "So, so far kamusta ang paglabas mo ng bahay ni Kuya?"

"Uh..." Natawa sya. "Wow,.Sars. That was sooooooo far."

Nagtawanan kaming dalawa. Sa wakas, matapos kong magkaroon ng pusong bato dahil sa kanya, ngayon marunong pa rin pala itong lumambot kahit dahil sa simpleng bagay lang. Ang makipagkaibigan sa kanya. Noon, kinaya kong mahalin sya, kaya ngayon, dapat kaya kong kaibiganin sya. Kahit na mahirap syang malimutan... Ah, basta. Basta, ang importante eh friends kami

Period.

-----

"Ge, ayusin mo!"

As is, we started our rehearsals. Okay naman sya, maliban lang talaga sa pagkanta. As in nahihiya pa ako dahil di pa ako gaano kagaling kumanta. Buti na lang nandito si Baby Girl. Este Friend.

Haaay. Kanina, napag-usapan namin yung tungkol dito... Yep, about the name callings. Sabi nya we will start over again without the awkwardness and all, kaya di na babe at baby girl ang tawagan namin. Syempre I insisted dahil I like calling her that way. Pero wala na rin akong magagawa, she's really cute with her puppy face. Hehe.

I was standing infront of her while she sits on one of the benches infront of me.

"Akin na nga yan!" She grabbed the script on my hands. "Nadidistract ka naman eh!"

"Hindi!" I insisted. "Talagang naiinsecure lang ako. Alam mo naman ang mga tunay na singers..." Nagkunwari akong umubo which made her laugh.

"Alam mo," She started to transform as the Wise Sarah. Haha. "Tayong magagaling na singers.... Ahem... Ikaw lang pala..."

I laughed. "I war sarcastic."

Tumawa sya. "Ah basta. Okay, at least lahat naman ng tao kapag kumakanta may inspirasyon kaya kahit di sila ganun kagaling eh gumagaling sila."

"So you're telling me I'm not a good singer?"

"Ikaw kaya nagsabi nun!"

"Di kaya!"

Tumayo sya at nag-aktong magtataray. "So you're telling me amalayer?"

Tumawa kami ng tumawa. Nakakatuwa, para lang walang nangyari noon. Sabagay, bakit mo pa babalikan ang nakaraan samantalang may ngayon? Awtsu... Kadramahan.

"Oooooy dali na!" Sabi nya agad.

Inspirasyon inspirasyon.... Hmm. Tinatanong pa ba yan? Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakaupo sya at nakatingin sa akin. Napakasimple nya, wearing a peach floral blouse with black jeggings and a ponytailed hair made it very elegant on her. Ang sarap nyang titigan...

"Oy dali kantaaaaa." Sabi nya.

"Aysorry. Eto na nga." Sabi ko naman agad. I cleared my throat.

"Ikaw lamang ang aking minamahal.."

Looking at het smiling that wide slowly made my world stopped for awhile. Narealize ko... I have gone through failed relationships, but what crushed my world so much is what happened to me and her even though di naman naging kami. Ewan ko, she really affects me. Siguro lang talagang kahit hindi kami umaasa ako na sana everything will fall into place as it is best for the both of us. Yes, siguro noon womanizer ako or playboy or whatever. Pero I knew I was wrong. Because of her, I knew I must not be one. I knew how to be stick to one. Kaya nga, Ikaw Lamang eh. Haha.

"Ikaw lamang ang tangi kong inaasam...Makapiling ka, habambuhay, ikaw lamang sinta.... Wala na akong mahihiling pa. Wala na.... Oh... Oooooooooooh....."

She smiled. "Kinagwapo mo na yan?"

Nagulat ako. Hala! Di ko alam irereact ko! Kinikilig ako ng di oraaaaaaas! >____________

"Ha?" Nakakaspeechless. "P-Pangit ba? Sabi ko na nga ba eh, walang kakwenta kwenta ying boses ko. Psh." Napakamot ako sa batok.

"Ano ka ba!" Tumayo sya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hala, sandali. Nagkakafireworks ang puso ko. Dumidilim ang paligid at sya lang ang nakikita ko. Anong nangyayari? Why am I feeling this way? That was a simple touch but my body seems near to explode because of hapiness. Isabay mo pa yung sinabi nya kanina. Huwaaaaa, am I that deeply in love with this girl? "Hindi mo kinagwapo. Yun lang... NAINLOVE AKO SA'YO LALO."

O________________O

Nagulat ako. Teka, baka nagdedaydream ba naman ba ako? Uhhh, baka nga. I closed ny eyes and opened it again. Hala, totoo nga!

Pinitik nya yung noo ko. "HUY!!" Oh, pinitik nya ako. Gising ako! Shocks totoo nga!

Inabot nya ulit sa alin yung script ko at umupo sa bench.

"Oh," I said, still grinning. "Anong gagawin ko dito?"

"Basahin mo ulit. Nakakalimot ka ng linya eh."

Binuklat ko naman yung script at nakitang nandoon yung mga sinabi nya. Haaaay, madali akong nadistract. Binasa ko ulit yumg script ng tahimik.

*Kay hirap pa lang umibog sa di tamang panahon....* May biglang nagring na phone. Walang duda, kay Sarah iyon. Maliban sa boses nya iyon eh di naman ganyan ang ringtone ko. Yung sa akin, "It Might Be You." Hehe.

Pero teka, Bukas Na Lang Kita Mamahalin? Naaalala ko yung time na pumunta ako sa studio nya at yan ang statement song nya that I merely believe na para sa akin iyon. Bakit iyon ang ringtone nya? Does that mean... she still have feelings for me? Paano ako napunta doon? Hehe.

Namumula nyang binunot ang cellphone nya sa bulsa nya. "Heheee. I'll just accept this call."

"Sino yan?" Pangpakialamero kong tanong. Hehe.

Tumingin sya sa screen. "Oh, kay Matteo! Nandito nga pala sya. Tss." Tumayo sya. "Wait lang ha." Medyo lumayo sya as she placed ger phone on her ear.

Oops. That hurts.

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon