Chapter 41: Buzz Ng Bayan

1.2K 41 7
                                    

@BuzzNgBayan: Ang tell all ni Gerald Anderson tungkol sa kanila ni Sarah Geronimo, abangan. #GeraldAndersonOnBuzzNgBayan

"Kinakabahan ako dito Pot, ha." Sabi ni Ate Shine pagkaupo nya sa tabi ko. Nakaabang kaming buong pamilya sa Buzz Ng Bayan exclusive na ito. Pagkatapos kasi nung interview, hindi na nagparamdam ulit si Ge. Tinetext ko, tinatawagan, BBM, Viber, LAHAT NA. Di ko din sya nakikita sa ASAP. Hindi daw yata sya magpeperform muna.

Yung mga kasamahan ko naman sa ASAP, tinutukso ako kay Ge. Nung kinausap ko sya bago sya nagpainterview sa Buzz Ng Bayan, pagkabalik ko sa studio, nakaformation na sila Enchong, Enrique, Iya, Julia M., at Kim, mga kasama ko sa SupahDance. Papalakad na sana ako papalapit, pero sumigaw na si Teacher G. On cue, kumanta sila ng Where Have You Been with dance steps na tinuro sa amin earlier, giving emphasis sa babe. Halos lahat naman ng masalubong ko, hinahanap sa akin si Ge. Sabi ko, hindi pa sya nagpapakita sa akin. Tinutukso naman ako nina Enchong at Enrique. "Wag ka tampo, baby girl ha." Ilang ulit yan, pabalik-balik sila sa akin. Ang kulit. Hahaha. At silang dalawa rin ang natatanging nakapansin sa akin dahil pagkatapos kaagad ng ASAP e uuwi na ako. "Uy, si Sars, hindi makapaghintay sa Buzz ng Bayan." Well, which is true.

I cleared my throat at kinuha ang phone nya kung saan sya nag-Twitter. "Kalma te. Di sya tungkol sa inyo magsasalita. Tungkol sa amin."

"Sorry naman, Pot, ha. Kung natetense ako para sa'yo. Nakakaloka naman kasi talaga 'tong si Heraldo!" Nagtalumbaba sya at nagpatong ng unan sa lap nya. Nasa kaliwa ko sya, at pinaggigitnaan nila ako ni Gab.

Ng lahat na sila ay nasa sala na, agad ko namang kinuha ang remote at binuksan ang TV. Agad na bumalandra sa amin ang mukha ni Gerald.

"The hottest guy, the greatest young actor, the most controversial man of the hour. Gerald Anderson."

Rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang iniintro si Ge ng isang VTR, at tinawag pa syang a controversial lover. Napapanood nya kaya 'to? Kawawa naman si baby boy, pinasaringan na't lahat.

Nang dumako na kay Ge at Tito Boy ang eksena, kinabahan ako. Pero pinaikot-ikot muna nila ito at pinag-usapan muna kung ano na nga ba ang lagay nya ngayon.

Hanggang sa sinabi na ni Tito Boy ang mga tanong tungkol sa amin.

"Gerald, kamusta ang puso mo? Kamusta kayo ni Sarah? What went wrong noon? Ge, are you pursuing Sarah again? O kayo na nga ba talaga? Lahat ng iyan, sasagutin nya sa pagbabalik ng... Buzz.... Ng Bayan!"

"Anak ng tinapa naman o!" Nagtalumbaba naman sa kanan ko si Gab. "Pasuspense pa e. Asar."

Nanatili naman akong kinakabahan at tulala. Ano kaya ang sasabihin nya? Hanggang saan ang ikukwento nya? Isasalaysay nya kaya ang nangyari kay Brit?

Napakuha na lang ako ng popcorn sa harap ko. Sabi ni mommy, big show daw ang magaganap kaya naghanda sya nito. Medyo nang-aasar na nagsusupport.

Nagshow up na ang logo ng Buzz Ng Bayan. Agad namang narinig ang boses ni Tito Boy.

"Ge, paano ka ba magmahal?"

Nakita ko na napangiti sya at napakamot ng baba. "Matindi, Tito Boy. Mapagmahal ako e."

"Bago tayo humantong sa pinakarecent, isa-isahin muna natin sila." Nagtaas ng picture si Tito Boy. "Paano mo minahal si Kim Chiu?"

Tinignan nya muna ang picture habang pinag-iisipan panigurado ang pinakasafe na sagot. Then ngumiti sya. "Sya yung first love ko. Sya yung una sa lahat na naexperience ko sa love. Naging guide ko sya. Naging kaibigan. Naging bestfriend. She really was the apple of my eye noon. But ngayon, she'll always be special to me."

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon