Chapter 15.2: Third Wheel

2.6K 29 1
                                    

<Sarah's POV>

"Hehee. Hi Sarah."

Nginitian ko sya.

Lumapit sya sa akin. "Um, pasensya na kung naabala kita. Bumibisita lang ako." Lumapit sya sa akin. "For you." Inabot nya yung flowers sa akin.

Kinuha ko naman. "Thank you. Halika. Pasok ka muna sa tent."

Pumasok naman sya.

"Oo nga pala." Inabot nya sa akin yung chocolates at paper bag. "Yung chocolates galing kay Maja. Hinay-hinay daw. Yung paper bag naman, pinapaabot ng yaya nyo sa bahay. Di ka pa daw kasi naglalunch kaya pinagbaunan  ka na lang nya."

Kinuha ko naman ulit sa kanya ang mga inabot nya. "Salamat, besplen ah."

"Asuuus." Umiling-iling sya. "Wala rin naman kasi akong ginagawa masyado. Tsaka..." Umupo sya sabay taas ng dalawang paa sa table sa harap nya. "Gusto kong makita ang eksena of the year. Nabasa ko yung script mo eh."

Binaba ko yung mga binigay nya sa table sa harap namin. "So ganun, nandito ka para mang-asar, ha, Matteo Guidicelli?" Ginulo-gulo ko yung buhok nya. "IKAW TAGALAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Hinawakan nya yung pulso ko. "Joke lang! Eto naman!"

Umupo ako sa tabi nya at binuksan ang paper bag.

"But seriously, Sarah." Nilingon ko sya at seryoso ang mukha nya. "Anong gagawin mo mamaya?"

Binuksan ko yung tupperware at kinuha yung tinidor habang di nililingon si Matteo. "Yung eksena. Nakita mo naman sa script di ba?" Sarcastic kong sagot. Ayoko munang seryosohin yung mga ganyang tanong, lalo na kung tungkol sa kanya.

"Sarah." Nilingon ko sya. Seryoso talaga sya. "Habang nasa eksena."

"Eh di tulad ng dati." Binuksan ko yung Tupperware na may cookies. "Arte. Alam mo, naitapon ko na yung feelings ko para sa kanya. End game na yun." Pagsisinungaling ko.

He smiled wide. "Nagsisinungaling ka."

May ESP ata 'tong Matteo na ito? Nakakaloka.

"Sarah," pagpapatuloy nya. "Masyado ka nang maraming nashare sa akin tungkol sa nararamdaman mo sa kanya. At alam ko this time, mali lahat ng sinasabi mo sa akin." He smirked.

"Matty, pabayaan mo na ako. Sige na. I want to take this lighty. Please bear with me." Sabay pout ng lips. Wahahaha.

"Oo na." He brushed his palm on my face.

Nagtawanan na lang kaming dalawa. Ang hirap umiwas sa usaping ganito! Kung pwede lang talaga magbaback-out na ako. Nakakaloka.

<Gerald's POV>

"Hehe, Hi Sarah."

Hanggang ngayon nababato pa rin ako sa kinalalagyan ko dahil sa gulat.

Si Matteo.

Dinadalaw si Sarah.

May dalang boquet.

Chocolates.

Paper bag.

Just.

Like.

Me.

Mamaya ko na lang kaya ibigay 'to? I turned my back from the tent pero bumalik ulit ang aensyon ko sa tent. Hinihintay nga pala ako ng AshRalds doon. Kailangan ko na 'tong ibigay.

Ang tanga no? Ibibigay ko na nga lang 'to pag-iisipan ko pa.

Sige na nga, ATTAAAAAACK.

Lumapit ako ng konti sa may opening at narinig kong nagtatawanan sila. Ayokong abalahin yung kasiyahan nila. Kaso pagkatalikod ko nahulog yung paper bag na hawak ko. Tumunog yung mga kubyertos. Siguradong narinig nila yun. 

Bumukas yung bukasan ng tent at nakita ko si Sarah na nagbukas noon at si Matteo na nakaupo habang nakataas ang paa sa table.

"Hi...Uhm..Sarah." I reached out the gifts to her. "For you."

She smiled and got the gifts. "Salamat."

"Galing---"

"Wow." Pag-udlot ni Matteo sa sasabihin ko. Tumayo sya at lumapit sa amin. "Ang sweet naman. Pwede na ba akong kumanta ng 'Muling ibalik at tamis ng pag------"

Siniko sya ni Sarah. 

"Um, galing yan sa AshRalds." Sabi ko agad.

Nagliwanag yung mukha nya. "Talaga? Nandito sila?!" Then agad syang umalis at iniwan kami ni Matteo.

Oo, kaming dalawa lang.

Awkward.

"Pare!" Nagfistbump kami. Nanguna na ako. "Kamusta?"

"I'm doing great, bro." Sabi nya.

"Di ka ata busy ngayon ah?"

"Well," He laughed. "Hindi naman masyado. Gusto ko lang bisitahin si Sarah."

<//////3

"T-Talaga?" Sabi ko with a fake smile. "A-Anong meron ba sa inyo ni Sarah?"

Tumawa ulit sya and tapped my shoulders twice. "Special, pare. Special na special." He grinned and left me.

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon