"Ge."
Nagising na naman ako sa ilusyon ko. Anak ng, sa lahat na lang ba ng oras nagdedaydream ako? :(
Tumingala ako at nakita si Matteo. "Oh bro. May problema ka ba?"
"Ako wala. Si Sarah meron." Sabi nya habang umuupo.
"Oh, anong problema nya?"
"IKAW." Sabi ni Matteo.
"Oh bat ako? May nagawa ba akong masama?"
"Sa kanya wala, kay Marlet meron. Sorry kung masyado akong nangingielam sa buhay mo, pero nababahala lang ako kay Sarah because pinoproblema nya ang isang bagay na pinagdaanan na nya noon na ayaw nyang balikan. Usapang lalaki, Ge. Wag mo nang ulitt-ulitin ang pananakit mo ng damdamin ng babae. Kaya ka nalelabel bilang womanizer eh. I've been Sarah's shoulder to cry on for so long about that. Ayoko na syang nakikitang umiiyak. Gusto ko lang syang maging masaya. Kaya kahit di nyo na maibalik yung sa inyo,wag mo nang saktan ang ibang babaeng umaawang mahalin ka." Sabi nya, at umalis na.
Nakakadepress naman 'to.
----------
"Ah... Talaga?"
Kasalukuyan akong nasa tabi ni Ate Nhila. Kinukwento nya sa akin amg lovestory nila. Kung paano sila nagkakilala and the likes. At diko" alam ang irereact ko. Akalain nyo yun, kakatapos lang nya manligaw sa akin after 6months may GF na agad? Bakit ganun sya? :(
"Teka nga. Akala ko ba moving on stage ka na? Bakit nagtatanong ka pa tungkol dito?"
"A-Ah? Wala lang na-----"
"Sarah. Anong 'wala lang'? Alam kong meron."
"Sige na nga. Si Marlet kasi..."
"Oh anong meron?"
"Hiwalay na sila ni Ge. Hmm. Ata?"
"Paano mo nasabi?"
"Parang malungkot si Marlet kanina eh. Tapos umalis."
"Baka naman may LQ lang."
"Oh. Ah." Ewan ko kung bakit nagiging reaksyon ko. Di ko madescribe.
"Bakit, Sarah. Umaasa ka pa ba?"
Bakit nga ba, Sarah? Umaasa ka pa nga ba talaga na maibabalik yung sa inyo kaya kung makapagreact ka wagas? Ganun nga ba talaga?
Umiling ako. "Ate Nhila, may isang salita ako. Wag kang mag-alala." At ngumiti.
"Awtsu. Eh papaano kung pupunta sya sa harap mo ngayon, magsosorry at hihingi ng another chance? Tatanggapin mo?"
"Ayoko nang buksan ang puso ko sa ganyang klaseng lalaki. Tsaka, may Marlet na sya whom he loves deeply."
"So kung walang Marlet na pag-uusapan, okay kayo?" Nakangiting pang-asar ba sinabi ni Ate Nhila.
"Ate Nhila!"
"Sarah." Napalingon ako sa direksyon ng isang malalim na boses na tumawag sa akin.
"Oh, Ge!" Tawag ni Ate Nhila.
"Hi Ate Nhila." Huminga sya ng malalim. "Pwede ko ba munang hiramin si Sarah?"
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
Hayran KurguKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.