Chapter 40: People Says (Sarah's POV)

1K 33 3
                                    

"Sarah, Gerald, back at one. Sarah, Gerald spotted together. Back at being less than lovers, more tham friends. Sarah at Gerald, mag-on na nga ba talaga."

Expressionless kong inaannounce ang lahat ng headlines ng dyaryo na inabot sa akin ni Ate Nhila habang kumakain kami ng last breakfast namin dito sa hotel. "O...kay. Anong meron sa kanila."

Kinuha ni Ate Nhila ang lahat ng dyaryong inabot nya sa akin kanina. Binigay naman nya sa akin ang isang tabloid na nakabuklat na sa gitna. "From the newspaper that hates you to the highest level."

"Ate Nhila..." Sasabihin ko sana na wag na syang magpaapekto, pero inudlot nya 'ko.

"No. You have to read this. Kung lahat sila positive, eto lang ang bukod tanging nega. Fuck it."

"Ate Nhila, kalma." Kinuha ko naman yung dyaryo at nakita kaagad ang screencap ng post ni Heraldo kahapon sa Instagram.

Gerald inahas muli si Sarah, Sarah nagpauto

Usap-usapan nga sa social networking sites ang kontrobersyal na post ni Gerald Anderson sa kanyang Instagram account na kasama si Sarah Geronimo sa isang picture. Nakatag ang dalaga rito at may caption na infinity sign! Nakakaloka di ba!

Nakatawag ito sa aming pansin dahil bihira na lang magpost si Gerald sa kanyang Insta. Shinare nya pa ito sa kanyang Twitter na hanggang ngayon ay meron pa lang syang 17 tweets! Ibig sabihin ay proud na proud talaga sya sa kanyang relasyon kay Popstar Princess!

Maaalalang noong Nobyembre nagsimula ang taping nila sa kanilang pelikulang may working title na "Love Takes Time" at kinumpirma ni Sarah na naaawkwardan pa daw syang makipagtrabaho kay Gerald dahil nga sa mga kaganapan noon. Sabi nya na iyon na siguro ang daan upang manumbalik ang kanilang pagkakaibigan. Ngunit makalipas ng dalawang buwan ay mukhang nagnumbalik nga ang kanilang pagmamabutihan!

Ang tindi talaga ni Gerald Anderson! Nang hindi nakuntento kay Maja at sa non-showbiz girlfriend, tinake for granted naman si Sarah! At etong gaga naman, nagpauto! Kakanta na ba ako ng Ikot-Ikot! Kaloka!

Hindi ko mapigilang matawa sa kalokahan ng gumawa ng article na 'to. Grabe sya!

"Sars, Ge's being labeled as a playboy again. Nakakatawa ka pa?"

Medyo natakot naman ako sa itsura ni Ate Nhila kaya sinubukan kong pigilan ang tawa ko.

"Hi baby girl!" Nagulat ako nung may bumati sa akin at humalik sa noo ko. Umupo naman sya sa tabi ko. "O Ate Nhila, what's up with the face?"

"Alam nyo, kayo talaga, mga pasaway. Pinagsasabihan ko na kayo ha. Wala akong pagkukulang." Tinuloy naman na ni Ate Nhila yung pagkain nyang ang tagal na naudlot kakabigay nya sa akin ng dyaryo.

Tinignan ko naman si Ge na nakatingin rin pala sa akin. Nagtataka ang itsura nya. "Baby girl, anong pinagsasabihan? Tungkol saan?"

Nagkunwari akong naging masungit. Nagcross arms ako at nagpout. "Kasalanan mo ang lahat ng 'to. Kung hindi mo pinost yung picture nating dalawa sa Instagram, e di sana hindi tayo maheheadline."

Tulad ng ginawa ko kanina, natawa din sya. "Ayaw mo nun? Proud ako sa'yo!"

Sa di malamang dahilan, sabay kaming natawa. Oh, may dahilan pala. Kasi nagpapaapekto sila sa sinasabi ng iba. Kasi kami, hindi. Masaya kami sa piling ng isa't isa. Di na namin kailangang magpakanega dahil sa mga taong yan.

"Sars, nakita mo na ba 'to?" Dumating naman si Ate Ana at iniabot sa akin ang cellphone nya. "Trending yung #SarahGZoned."

Binasa ko naman yung top tweets. "@BawalAngTanga: Niloko ka na't lahat, pinagpalit ka na sa kaibigan mo, binalikan mo pa."

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon