Chapter 28: I Love You

2.1K 32 5
                                    

Work mode na naman ang lahat. Matapos ang Christmas and New Year celebration, magbabalik-shooting na naman kami para matapos na ang pelikulang ito. Lagpas kalahati na kami, kaya excited na ang lahat sa kalalabasan nito.

Maliban sa akin.

Late na akong nagising, ang call time namin is 10 pero nagising ako ng 7. Agad na akong tumayo sa kama ko dahil ayokong maging cause of delay, knowing sa Subic pa ang shooting location namin.

Dire-diretso ako sa van ko at sinara na ang pinto. Lumingon ako sa likod at nakita sina Mommy at Ate Shine na nakaupo. "Good morning!!" Hinihingal kong bati sa kanila.

"My gosh Pot. Buti nakakausap ka na namin ngayon. Parang kanina wala kami eh. Kaloka ka."

"First time kong magmadali Ate eh. Sorry."

"O nak," Lumingon ako kay Mommy at may inabot syang vegetable salad sa akin. "Kumain ka muna habang nasa daan, ha. Bat kasi nagpuyat ka kagabi? Nakalock pa yung pintuan mo." Kinuha ko yung salad at binuksan na ito.

"Nag-aral lang po ako ng script, Mommy." Bakit nga ba ako napuyat kagabi? Dahil iniisip ko kung anong mangyayari ngayon. Makikita ko ulit sya. Sasabihin ko na ba sa kanya ngayon ang tunay kong nararamdaman? Ang oo at hindi sa utak ko ay may kanya-kanyang rason. Pag oo, nawalan ako ng tinik sa dibdib. Kumawala na ako sa galit. Pag hindi, mas lalong madadagdagan ang mga tinik na iyon. Pero hanggang dulo, sinabi ko sa sarili ko na I must be brave enough to face the truth. Kaya, I will.

Gumagalaw ang sasakyan habang kinakain ko ang lettuce ko. Nakaindian seat ako. Nung natapos ako, sinara ko na yung container at inabot kay Mommy. "Thank you Mommy."

"Welcome anak. Sige na matulog ka na muna. At an hour nandun na tayo."

"Yes mommy."

"WRAFF WRAFF!!" Nagulat kaming tatlo nang may tumahol na aso. Tumingin ako sa ilalim ng upuan ko and enumerated my dogs' names. Nung sinabi kong Kimmy, lumabas sya. She's having a 'i-need-hugs-and-kisses-mommy' looks kaya nilagay ko sya sa lap ko. "Naku Kimmy talaga! Sumama ka pa." Niyakap ko sya. Ang lambot nya. I pat her head and started combing her fur. Habang ginagawa ko yun, nakatulog ako.

Ginising naman na ako ni Mommy nang nakita kong nasa may tunnel kami papasok ng Subic. Ang alam ko, sa isang resort kami magsoshoot kaya nga another 15 minutes pa ang byahe. Nakita ko naman si Kimmy na nakatulog na ata sa lap ko. Hinimas-himas ko na lang ang likod nya at napalingon sa bintana. I saw how beautiful the surroundings is. Puro puno. Presko. Binuksan ko yung bintana at naramdaman ko ang lamig ng hangin. Lumingon ako sa likod ko at nakitang tulog din si Ate at Mommy. Bumalik ang tingin ko sa bintana habang sinusuot ang sunglasses ko na nakasabit sa damit ko.

"Sunlight, oh sunlight..." Kanta ko habang nilalabas ng bahagya ang kamay ko para maramdaman ang hangin lalo. Pa-Subic proper na kami pero wala namang gaanong sasakyan kaya binuksan ko lalo ang bintana ko at nilqbas ng bahagya ang ulo ko. "Give me the love I need to guide me, shining deep inside of me..." I breathe deeply and smiled. Ang sarap. "Sunlight, oh sunlight. Show me the way to a brighter day!"

"Arf arf!" Naramdaman ko nang umupo si Kimmy sa lap ko kaya binuhat ko sya papalapit ng bintana.

"Look Kimmy oh! Fresh air!" Nasanay na kasi kami sa polusyon sa Maynila. Buti pa dito, parang wala. Ang presko. It makes my mood brigher for the day. Facing positivity. Being stronger. Going out from anger. Keeping it calm. Sarah Geronimo Version 3.0. Choz.

Nakarating na kami sa Camayan Beach Resort, sa tabi ng Ocean Adventure na naenjoy ko noong Sige Go Adventure ko. Kitang-kita ko ang coaster ng crew, pati na ang kotse ni Gege dahil na rin sa pagbaba ni Kuya Jalal at Fred doon. Tumingin ako sa relo ko. 10:30? Agad akong bumaba, yakap si Kimmy.

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon