Chapter 24

1.7K 31 2
                                    

December 19, Thursday

Nandito ako ngayon sa ASAP 18 Studio, magpeperform ako ng isang malupit lang na segment sa SupahDance at Full Circle with the Champions. Ininvite lang ako ni Sir Gerrome at Mr. M at dahil namiss ko ang ASAP, pumayag na rin ako. Hihi. (^___^)v

Habang naghihintay sa turn namin para sa blockings, nagbasa muna ako ng libro, which is "The Last Song". Medyo malapit na ako matapos kaya kinareer ko na ang pagbabasa ko. Di ako actually mag-isa, kasama ko si Ate Shin. Kaso nagpaalam, uuwi daw muna at may naiwan sya.

Medyo nasa huling chapter na ako na binabasa nang biglang nahulog yung bookmark ko. From my peripheral view, nakita ko si Ge at Ate Maja na sumasayaw ng slow dance. Panigurado para sa opening yun. Ang sweet sweet nilang sumayaw talaga, may singit singit pang tawanan at batukan at harutan. Iisipin mong sila. Hmm. Nagkabalikan kaya sila? Siguro kaya umiyak si Marlet dahil nga talagang nagbreak na sila at binalikan ni Ge si Ate Maj. Kawawa naman si Marlet. :(

Pero bakit.. Bakit may part sa akin na... Na nasasaktan? Dahil ba... Dahil ba sa nakita ko noon? Dahil sa pagtataksil sa akin ni Ge noon nang nalaman kong mas mahal nya si Ate kesa sa akin? Yung totoo, nagalit ako ng sobra kay Ate dahil sinaktan nya ako. Dahil sa kanila ni Ge, parang feeling ko wala na akong pag-asang maging masaya sa magiging buhay pag-ibig ko. Lagi na lang akong inaagawan. Naalala ko, sinabi sa akin ni Ge noon na di nya ako lolokohin. Pero ano sila ni Ate noon? Noong mga panahong... sasagutin ko na sana sya? Haaay.

Di ko na namamalayang tumutulo na yung luha ko. Pinunasan ko ito agad. Nagkagat labi na lang ako para pigilan yung luha ko pero nung di ko na kinakaya, tumakbo na ako palabas ng studio at dumiretso sa dressing room ko at umupo sa isang banda at humagulgol na.

Bakit ganun? Hanggang ngayon naapektuhan pa rin ako? Bakit ba nahihirapan akong mag-move on ulit? Nagawa ko naman na noon ah, bakit di ko magawa ulit? Dahil ba nararamdaman ko pa rin yung presence nya? Dahil nandyan sya? Dahil lagi ko syang nakikita? Bakit? Eto ba yung sinasabi nilang true love? Pero... hindi kasi pwede yun eh. Haaaay bakit ganito? Inaabuso na ako ni Author na balasubas! :((

Yumuko na ako at hinayaang tumulo ang luha ko. Ang tagal ko nang ganito. Bakit? UGGGGGGH.

"Sasa?"

O____________________O

Agad kong pinunasan yung sangkatutak kong tubig sa mukha gamit ang braso ko. As expected, walang nangyari.

"Kunin mo na tong panyo ko. Nang matuyo na yang luha mo." Tumingala ako. Malabo pa man ang paningin ko dahil may luha pa sa mga mata ko, pero alam ko, alam kong sya yun.

Umupo na sya sa tapat ko at pinunasan yung mga luha ko gamit ang panyo nya. Di ko alam kung bakit ko sya hinahayaan. Samantalang sya naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. ( T^T )

"Sarah..." Hinawakan nya yung dalawang kamay ko. "Anong problema mo? You can tell it to me. I'm your friend, right?"

Sapul.

Di ko naman pwede sabihin sa kanya yung totoo. "IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! KUNG DI DAHIL SA'YO DI SANA AKO NASASAKTAN. KUNG DI LANG AKO NAGPAUTO SA IYO EH DI SANA HINDI AKO NAHIHIRAPANG MAKITA KA. BAKIT PA KASI KITA NAKILALA?!? BAKIT PA KASI KITA MINAHAL, MR. PLAYBOY!!!!????" Something like that. Pero hindi ko yun magagawa. Yumuko na lang ako para mag-isip ng excuse. Tapos nakita ko yung libro. *ting!* Natawa ako. Nakakabaliw tong excuse ko.

"Kasi naman eh. Ang OA ko. Nakakaiyak kasi yung storya neto." Kinuha ko yung libro at pinakita sa kanya. "May isa kasing babae na ang gusto nya lang eh mahalin sya. Tapos may nakilala syang isang lalaki. Akala nya, totoo lahat ng sinabi ng lalaki. Pero yung pala.... sinungaling yung lalaki. Nagpanggap lang sya, samantalang mas mahal nung lalaki yung..." Humgulgol ako lalo. "Yung best friend nya. Nakakaiyak kasi nakakaawa yung bida. Pagod na pagod na sya sa lahat ng sakit eh.... Pero parang... Parang mahal nya pa rin yung lalaki kahit na sobra na syang nasaktan dahil sa walang kakwentang ginawa ng lalaking yun! Kaya last song, kasi may kanta yung babaeng yun para sa lalaki... Bago sya namatay." I brainstormed a fake story. Well, ain't a fake one. Hindi namam siguro nagbabasa si Ge ng mga ganyan di ba? Kahit yung mga movies na ganyan? T^T

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon