December 18.
Di ko alam na ganito kabilis ang panahon. Last week, dumating si Ate ni hindi ko man lang alam yung date dahil naging busy na rin ako. One week na lang, Pasko na.
Marami naman na kaming nagawa sa pelikula na mga eksena. Ang pinagkaiba nga lang, di kami magkasama ni Ge. Puro kasama yung mga kunwaring friends and family ko sa pelikula, like Ms. Dawn, si Daniel Padilla, etc. Nag-restorycon kami, dinagdagan nila yung istorya para maging "Love Takes Time" talaga yung istorya. Sinama na si Paulo Avelino sa cast. Bale, si Mariel, naghahanap ng Mr. Right nya tapos tinutulungan sya ng best friend nyang si Roger tapos si Roger may gusto pala kay Yel (Mariel) kaya nung umamin si Roger gulat si Yel. Tapos narealize ni Yel na gusto nya rin pala si Roger dahil nawala sya... Tapos umamin sya kay Roger kaya si Roger natutuwa. There's something going on between them, pero less-than-lovers-more-than-friends ang peg nila. Tapos si Roger nagseselos sa kung kani-kanino, pati si Yel. Medyo nagkatampuhan sila tapos nawalan ng communication. Then after few months, nagkita sila, parang walang nangyari. Well, meron. May Dom (which is Paulo) na si Mariel. Pero nung habang tumatagal, namimiss nila yung isa't isa. Narerealize nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Pero di bumitaw si Dom. Pero kahit ganun, sa huli, nagkatuluyan din sila dahil sinundan nila ang dinidikta ng puso nila, kahit may masasaktang iba.
Psh.
Masaya na rin ako dahil isang week rin akong di nasasaktan pag nakikita si Ge. Pero kinakabahan akong harapin sya after 2 and a half weeks. Kasi.... Ewan. Oy hindi, nakapagmoveon na ako eh. Tsss.
"Pot!!"
Nandito ako sa terrace sa may kwarto ko, nag-eemote. Tapos ayan, ang ganda na ng alone time ko, eto naman si Ate, ginugulo yung moment ko. Di pa ba sila tulog?
(ˍ ˍ*)
"Bakit?" Pasigaw kong sabi habang papunta sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Gab na may hawak na box na may ribbon, habang si Ate Shine, may hawak na boquet.
"Oh, ano yan?"
Nag-iba yung itsura nila. From happy, parang naging pokerface. Okay, mali yung tanong ko (_ _ )
"Ay, ate? Di nag-elementary? Di alam yung hawak namin? Natural boquet siguro ng bulaklak no? Tsaka regalo." Sabi ni Gab.
Binatukan ko nga. "Sorry naman. Eh kanino galing yan?"
Inabot na nila sa akin yung mga hawak nila.
"Ano to bastusan? Nagtatanong walang sagot? Walang GMRC nung elementary?" Sabi ko habang kinukuha ang mga iyon. Bawian lang. :p
Babatukan na nila sana ako pero nagstep back na ako. "GOOD NIGHT MGA MAHAL NA KAPATID!!" Sigaw ko habang sinasara ng paa ko yung pinto.
Haaay. Kanino kaya galing to?
Nilapag ko ang mga iyon sa study desk ko. Nalaglag yung card doon na galing sa boquet kaya pinulot ko at binasa.
"Dear Sarah, its been a long time since I sent you a gift. And to let you know what I really feel for you, I sent you these. Roses symbolizes love, and that item on the box gives a little clue on who I am. For now, I will hide my identity but I will shower you still with my admiration. Yours truly..."
Jaw dropping yung last part.
"Greatest Admirer?"
Ang daming biglang pumasok sa utak ko nung nakita ko yong "Greatest Admirer" na yan. Una, taray! Sawa na sa "Secret"! Gasgas na kaya Greatest na lang ang gamit! Pangalawa, akalain mo yun! Yang si Ate Shine at Gab, ayaw nila ng secret admirer chuchu na ganyan. Kung may manliligaw, tulad nila daddy at mommy, dapat magpakilala ng pormal sa bahay o kahit saan man basta magpakilala. Pero, bakit parang sang-ayon sila? Tss. Ke tatanda na ang gugulo pa rin ng utak. At pangatlo......

BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
FanfictionKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.