"May mga nagsasabi na kailangan may ideal man ka, may hahanapin ka. Okay rin iyon pero ang pag-ibig kasi hindi mo maipaplano iyan. Minsan 'ayaw ko sa ganito, sa ganyan'. Hindi mo talaga masasabi kung kanino ka mai-in love."
-Sarah Geronimo
****
Maligalig akong lumabas ng hospital room ni Gege para sabihin sa nurse na nagising na sya. Hinanap ko naman si Ate Shine sa café nila dito para mainform na sila Ate Nhila na gising na si Ge. Bumili kasi sila ng fruits para sa kanya in case na magising na sya.
Nakita ko naman sya kaagad na palabas ng café. "Ate Shine!"
"Oh, bakit Pot?"
"Gising na si Ge!"
"Oh, talaga?" Tumango ako. "Eh di okay!"
"Ate, patext naman oh. Nawawala kasi yung charger ko e."
"Sige." Agad namang kinuha ni Ate ang cellphone nya mula sa bulsa nya at inabot sa akin.
"Salamat!"
"Sige. Mauna na muna ako doon sa room ni baby boy mo ah."
"Sige." Pumasok naman ako sa café at nag-order ng isang frappucino. Umupo ako sa isang upuan at tinext na si Ate Nhils.
"Ate Nhila! San na po kayo? Gising na si Ge! ;)"
Aga namang nagreply si Ate Nhila.
ATE NHILA: Really! Praise the Lord!!
Napangiti ako at nagreply. "Buti naman po. Praise God... Hurry Ate Nhils hinahanap kayo ni Ge ;)"
ATE NHILA: Haha! Yes! On our way. :)
Napangiti na naman ako. Isinerve na sa akin ang coffee ko. Binack ko yung message and I saw the inbox at the screen. I was surprised to see "Budoy ni Pot" sa conversations. Natuwa naman ako. Siguro all this time pinagtutulungan nila ako? Ang sweet naman. Inopen ko ito at drinag ko pataas ang lahat para makita ko ang buong conversation. Itong dalawang 'to talaga, pinagtutulungan ako.
BUDOY NI POT: Hi Ate Shiiiiiiiiiine! MERRY CHRISTMAS!! ;)
SHINE: BUDOOOOY! Melly clismaz din. :) Aba may number ko mo pa pala ako ah!
BUDOY NI POT: Oo naman. Para pag kailangan ko ng tulong para kay Pot mo, may connections ako. Connections that I have and connections that you don't have. *Laida accent* Haha.
SHINE: Nuxx. Napanood mo pala yun?
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
Fiksi PenggemarKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.