<Sarah's POV>
"Pumunta ako dito para makapagpaalam na medyo matatagalan kami sa Pampanga. Doon na lang muna sya magpapagaling. Sasamahan ko na lang din sya para maalagaan ko naman sya. Sorry anak kung di ka muna namin masasamahan ngayon ha?"
"Wala yun, Daddy. Para masanay na rin ako."
Umalis na agad si Daddy para daw mapuntahan na nila agad si Mommy.
Haaaaaaay. Ang sweet talaga ni Daddy.
Sana makahanap din ako ng katulad ni Daddy. Malambing, marangal, mabuting tao, lalaking-lalaki...
Sana...
Well, ngayong wala muna si Mommy at Daddy, start na ng buhay independent.
Bakit yung mga wish ko nung birthday ko last year magulo? Nakuha ko na yung freedom na gusto ko para sa sarili ko. Matatag yung pamilya ko, pero medyo ngayon may sakit si Mommy na dengue. Tapos yung lovelife, NGANGa. Kelan ko ba makukuha yung tatlong wish ko ng sabay-sabay at naaayon? Haaaaay, Sarah. Everything has a reason.
Siguro, hindi muna pwede talaga ang lovelife.
Sa ngayon.
Balang araw, may happy ending din ako.
Hindi man kay Gerald, pero meron.
Okay. Back to fantasy...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
<Gerad's POV>
"Good noon, baby! :) Naglunch ka na po ba? Sorry po kanina, ha? Love you po. :*"
"Oy Ge! Text ka naman po. Sorry na po dun sa kanina. Sana di na kita pinilit. :'("
"Kausapin mo naman ako Ge. Miss na kita agad. T.T"
"GERALD RANDOLPH O. ANDERSON, MAHAL PO KITA. ♥"
"Ge."
"Uy Ge. :("
Tinadtad ni Marlet ang inbox ko ng mga ganitong klaseng messages. Ayoko munang replyan at parang may PMS ako ngayon na madaling mairita. (WHAT A TERM. HAHAHAH.) Siguro for now, cool off muna kaming dalawa. Sawa na ako sa pagiging makulit nya at mapilit.
Sawa na akong magtiis.
Haaaaay. Maayos ko rin 'to.
Hindi ko pa nga pala natatanong si Sarah tungkol sa kanila ni Matteo.
Parang nakakahiya naman ata. >________<
Wag lang muna kaya this moment? Aayusin ko 'to bago matapos ang araw, but not now. Siguro maya-maya na lang. Hanggang hapon naman kami eh.
*beep!*
From: Marlet
Sana po space lang, ha? Hindi ko kayang mawala ka. Magpapakamatay ako pag napunta ka sa iba. I love you Ge. See you soon. :)
There goes the blackmail. Nakalimutan ko kung gaano ka-emotional sa lahat ng bagay si Marlet. Lalong bumibigat ang sitwasyon. Magpapakamatay ako pag napunta ka sa iba. Papaano kung totohanin nya? Eh di konsensya ko pa? Ano yun, masaya ako sa piling ni Sarah habang dala-dala ng damdamin ko ang bigat ng katotohanang ako ang dahilan ng pagkawala nya? Hindi ko kaya yun. Hindi ko kaya maging masaya habang may ibang nahihirapan.
Haaaaaay, Lord. Pinaparusahan nyo na po ako ng sobra.
I learned my lesson.
Now, I must find for solutions.

BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
FanfictionKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.