Chapter 38: The Date

1.1K 25 3
                                    

Mabilis na natapos yung taping namin sa lahat ng lugar for the day. And sabi ni Ge, ‘to celebrate’, ‘magdedate’ kami.

“Okay lang ba sa inyo na...” Sabay hawak nya sa kamay ko.”Itatakas ko muna ‘tong mahal ko?”

“Okay!” Sabay-sabay nilang sabi.

“Balik agad ha.” –Direk Cathy

“Ingat! Pasalubong!” –Ate Nhila

“Ingatan ang prinsesa, ginoo.” –Ate Ana

“10 PM ang curfew ha.” –Gab ._______. Sabay saludo.

Napacurious look na lang ako sa kanila. Ano bang meron sa kanila? Lalo na kay Ge. Jusko.

“Let’s go.” Sabi nya sa akin sabay hila palabas ng SM City Baguio, habang hawak pa rin ang kamay ko.

“Aba’y saan ho tayo pupunta?”

Huminto muna sya sa tapat ng Starbucks at binaba ang shades nya sa tapat ng mata nya. Tinaas nya rin ang hoodie ko at binaba ang sunnies ko, sabay akbay sa akin. “Oh oh oh!” Pagdepensa ko. Medyo lumayo ako sa kanya at sinigawan ko sya ng pabulong. “Ano yan?” Bulong ko.

Napangiti sya ng pilyo. “Para di tayo makilala. Para tingin nila, normal na lovers lang tayo.”

Namula ako nung narinig ko yung lovers at tayo. It gives me more chills, nakakahiya sa malamig na klima ng Baguio Ziteh. Pinitik ko sya sa noo. “Adik. Adik adik adik!”

Natawa na naman sya. “Halika na kasi. Para mainitan ka na.” Then hinila na nya ako papasok sa Starbucks. Nagpahila na lang ako.

Sya na ang nag-order. Alam na rin naman nya yung flavor na gusto ko. Umupo na lang ako sa isang banda at yumuko. Well, to tell you guys, mga 4 PM na at pasunset. Medyo maliwanag pa rin. And I’m afraid na makikilala kaming dalawa ni Ge. Na magkasama. Sarah Geronimo at Gerald Anderson, nag-Starbucks. Sila na ba? Headlines. Ugh. Minsan may pagkarude pa. Sarah, nagdrama dahil kay Gerald noon: nagdedate pa rin pala ngayon. Sarah sinungaling –‘Ayaw ko na kay Ge’: Mahal pa rin pala si Gerald. Well... sanay na ako. As long as I’m happy, and I know what’s true, I don’t care about what people’ll say. Buhay ko ‘to, hindi sa kanila. But yeah, I’m afraid. In a way. But I still don’t care.Gulo.

“Okay!” Umupo na sya sa tapat ko at tumingin sa akin. “Oh honey. Bakit parang ang pale mo?”

“Ha?” I smiled and shook my head. Shake the thoughts, shake the thoughts. “Wala naman. Hot coffee inorder mo sa’kin?”

Tumango sya. “Yeah.” Sabay ubo ng pabiro. “Sing, um, hot ko.” Sabay sandal at lagay ng dalawang kamay sa batok na parang lumalabas na naman ang pagka-GGSS ni Ginoong Heraldo.

“Tsk, tsk, tsk. Ang lamig na sa Baguio, lumamig pa dahil sa HANGIN!” Sarcastic kong sabi.

Nagpout sya bigla at dahan-dahang umayos ng pag-upo. “Grabe ka naman, baby girl. Sakit nun ah.”

“Oh, talaga. The truth hurts.” Pagtataray ko ng pabiro. Ehe ehe.

“2 Frappucino grande for Sasa and Gege!”

Nagulat ko sa pagsigaw ng “Sasa and Gege” ng barista dun. Pero mas nagulat ako nung lively pa syang tumayo at lumapit para kunin ang mga kape namin. “Present!”

I can feel eyes on me. Fans ba ‘to? Critics? Normal people? Baka press people ah. Alam na nila. Patay tayo dyan.

Iniabot sa akin ang kape ko at nakangiti pa. “Oh baby girl, gusto mo Jolly Fries? Tara bili na tayo.”

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon