I knocked at their door three times. "Tao po?" Walang sumasagot. "Tao po?"
Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Ate Shine. "Oh, nandito ka na pala."
"Nandyan po si Sarah?" Tanong ko.
"Ah." Ngumiti si Ate Shine."Wala. Halika tuloy ka."
Pumasok naman ako sa loob at nakita ko sina Tita Divine, Tito Delfin, Gab at Ate Jonha na nakaupo sa sofa.
"Good morning po." Bati ko. Good thing talaga wala pa si Sarah at may trabaho sya at the third day of the year.
"Upo ka." Tinuro ni Mommy Divine yung isang sofa sa harapan nilang lahat. Umupo naman ako.
"Salamat po."
Everyone cleared their throats. Lalo akong ninerbyos sa gagawin kong ito.
"Ge." Narinig ko si Ate Shine kaya napalingon ako sa kanya. " Ikwento mo na."
At sinalaysay ko na kung bakit kami humantong sa ganoon ni Sarah. Simula sa deal namin ni Brit hanggang sa akala ni Sarah ay pinampusta ko lang sya, but certainly giving emphasis na totoo lahat ng naramdaman at nararamdaman ko sa kanya.
Dahil sa pagsabi ko nito sa pamilya nya, parang nabunutan ako ng tinik. Pero parang niloloko ko lang ang sarili ko, dahil sabi ko pag nagreply sya nung Pasko eh sasabihin ko na ang totoo sa kanya. Pero heto ako, mas naunang sinabi ko sa pamilya nya kesa sa kanya. Gusto ko kasi na sabihin nila sa akin kung ano ba ang tamang panahon at paraan nang pagsabi ko sa kanya ng lahat.
"Grabe pala yun." Sabi ni Gab.
"Hayup yang Brit." Ate Jonha.
"As in." Ate Shine.
"Tapos ngayon pagala-gala pa?" Tito Delfin.
"Anak, kailangan mo nang sabihin to sa kanya pag nagkita kayo." Mommy Divine.
"Tingin nyo po?" Tanong ko.
"Baka sakaling bumalik yung kayo." Gab.
Napangiti ako. "Sige po."
"Gerald, maraming salamat at minahal mo ng ganito ang anak namin. Nasa iyo ang blessing namin." Daddy Delfin.
"Salamat po." Tumayo ako at kinamayan sila. Lahat sinasabing alagaan ko si Sarah. "Makakaasa po kayo." lang ang mga sagot ko.
Umuwi na ako para makapagpahinga at makapagplano kung paano ko sasabihin. Naisip ko na bilhan na lang sya ng aso tutal second love nya naman yun.
Kinabukasan, may shooting kami sa Subic. Malapit na matapos ang pelikula kaya kailangang gumawa na ako ng mga moves para mapalapit kami sa isa't isa ngayon. Dala-dala ang cage ng mga pug na sina Ash at Rald, pumunta ako sa tent nya. Nilagay ko sa ilalim ng upuan ko yung cage para isurprise na lang sya mamaya. Nung bumukas yung tela ng tent, napatayo ako. "Hi." May hawak syang aso.
"Hi Gege." Lumapit ako at nakipagbeso-beso kami. Medyo bati na kami since Christmas unlike nung last time kaming nagkita. Simula kasi nung nagreply sya, naging magkatext ulit kami. Ewan ko kung bakit, pero masaya naman ako.
Nakita ko naman yung hawak nyang aso. Ngumusi ako dun. "So, bago mong aso?"
Tumango sya. Ang cute, parang bata. "Bigay ni Kim. Kimmy, meet Gege." Kumaway si Kimmy sa pagcontrol ni Sarah. "Say hi. Hi!"
"Arf!"
Napangiti naman kami.
"May time ka pa ba para sa mga aso?" Tanong ko. Kasi pag wala na, akin na lang si Ash at Rald.

BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
FanfictionKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.