Chapter 35: Nakaw na Sandali

1.7K 33 6
                                    

"Mag-iingat kayo, Asher."

"Yes mommy."

"Ayusin mo yung gamit mo ha?"

"Opo."

"Wag kang pasaway."

"Hala naman, Daddy! Syempre po!"

"Gab, bantayan mo Ate mo ha?"

Nilingon ko si Gab, na malapit na sa pintuan ng van ni Ge na nasa tapat ng katabi naming bahay. "Yes daddy! Alis na kami! Magti-3:30 na eh!"

Natawa naman kami. Niyakap ko si Daddy at Mommy. "Ingat po kayo mamaya papuntang Tagaytay ha? Sana magka-Imo's na dun."

Natawa naman si Daddy. "Syempre, nak. Ingat kayo dun sa Baguio ah? Wag kang babalik dito ng buntis."

"Daddy!" Sabay naming sabi ni Mommy. Natawa kami.

"Hindi talaga babalik ng buntis yang si Sarah. Ilang araw pa lang 'yun. Mga 3 buwan mo pa mahahalata."

"Mommy!!!" Namumula na ako sa hiya. Usapang buntisan ba naman. Hala!

"Pero nak joke lang yun ah. Alam naming si Ge na yung magdadala sa'yo sa altar pero bago nyo gamiting ang biyayang binigay ng Dyos dapat may basbas muna sya ha?"

Humiwalay na ako sa kanila. "Wala pa akong balak, Mi, Di. Sige po ah, alis na kami. Medyo late na rin po kami e. Bye po!"

"Ingat nak!" Sabay nilang sabi.

Lumabas na ako ng gate at naglakad ng medyo mabagal. Iniisip ko na magkakamoment kami ngayon ni Ge. Take note: 3 days. Hahaha! Medyo malandiiiii! Hahaha! Bayaan nyo na 'ko, ngayon lang ako naging ganito. Ngayon lang ako nagkaganito. BI kasi si Gerald Anderson e. Choz.

Going back... Kinikilig ako pag naiisip kong magkakamoment kami ni Ge. Sa totoo lang, gusto ko na talaga syang sagutin para di na nila masabing "kahaliparutan" lang ang ginagawa namin. Sabi kasi nila, ang pagiging M.U. ay suuuuper complicated. Kumbaga wala kang karapatang magselos, hindi mo sya pag-aari, pwede pa yang landiin ng iba, at maraming-marami pang iba. Eh hindi naman daw ang panliligaw ang pinapatagal--- yung relasyon.

Pasweetums akong tumakbo papalabas ng gate at papunta ng van ni Ge. Nakangiti ako ng nakatapat na ako sa pinto ng van, na nakasara. Binuksan ko iti ng dahan-dahan at nakita ko si Ge na natutulog ng mahimbing sa gilid (or hindi kasi nakashades sya. Pero mukha syang natutulog e. Sige na.), nakalean ang ulo sa bintana. Nakita ko naman na katabi nya si Gab, na napatingin sa akin. Tinapik nya ang upuang bakante sa tabi nya.

"Ate, tara na."

Hadlang. Isa syang malaking hadlang sa buhay ko. Charot.

Sumakay na ako. Life goes on ika nga. Haha. Sinara ko na ang pinto at sinignal si Kuyang driver na pwede na syang magdrive patungo sa ABS-CBN Compound.

Habang umaandar ang sasakyan, wala akong ginagawa. Nakatunganga lang siguro sa kawalan. Inaantok pa rin kasi ako pero ayaw ng katawan ko na matulog. Napapikit na lang ako at napatingala para isandal ang ulo sa taas ng sandalan pero narinig ko yung cellphone ko na tumunog. May nagmessage ng ganito kaaga? Wow ha. Or siguro si Direk Cathy lang yun. Medyo late na rin kasi kami e.

Binuksan ko ang mga mata ko at hinanap na sa bag ko ang cellphone ko. Pagkakita ko sa Blackberry Curve ko, I unlocked it and was surprised to see the name of the sender of the message. Binuksan ko na lang ito.

***

From: Mine
Wala na tayong moment. :(

***

Natawa ako ng mahina. Una, dahil pinakielamanan nya ang cellphone ko. Pangalawa, mukha syang kawawa sa pwesto nya.

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon