Ang buhay ay sadya naman talagang isang rollercoaster ride. Nakakahilo at nakakalula ang twist and turns. Sometimes, sa sobang takot mo, hindi ka na makakahawak sa kung sino para masiguradong ligtas ka. Hihintaying mo lang na sila ang magbigay sa iyo ng reassuring squeeze na nandyan lang sila, na ligtas ka. Kaya kahit papaano ay nagiging okay naman ang lahat.
At dahil sa paulit-ulit na routine na iyon ay nasanay na ako, ang lahat ng tao. Natuto na nilang tanggapin ang mga bagay-bagay. Kahit papaano, natanggalan ka na ng tinik sa dibdib. Ieenjoy mo lang ngayon ang sarap ng buhay.
Nakalipas na ang limang taon, naging tough iyon para sa amin ni Gege. Marami nga naman kasi ang maaaring mangyari sa time span na iyo. Well, oo, para sa amin talaga, marami.
Natanggap na ng publiko ang relasyon naming dalawa. Wala nang nagbabash gaano kay Ge at sa akin. Sabi ng mga Ashralds, lalo raw silang dumami. Hindi na rin nagbibitter ang karamihan, di tulad ng dati.
Mga August, pinalabas na ang pelikula naming Love Takes Time. Ikinaoverwhelm ko ang dami ng taong nanood. Nilagpasan daw namin ang box office record. Naka-P400 Million kami. Naks! 7th Monthsary Gift!
And bilang celebration ng first year anniversary namin, ako na mismo ang umamin na kami na ng isang taon sa Buz Ng Bayan. Ikinagulat nga iyon ni Ge e, pero kalaunan itinuring nya itong ‘best first anniversary gift ever’.
Binigyan naman din kami ng management ng isang teleserye together. Nagrank one rin naman sya sa ratings and thank God it lasted for a year. Walang promo promo yan ha. Dahil sa teleseryeng ito, nahubog na nga ang acting skills ko dahil sa pinakamagaling na acting coach, at mas naging bonded pa kaming dalawa. Tinutukso nga lang kami lagi nina JC de Vera, ibang co-stars namin na veterans, at ng mga crew at direktor. Hay, si Direk Cathy pa. Hindi sya nagsasawang mang-asar!
Then, nagtuloy-tuloy naman kami sa aming mga buhay. Marami syang naging projects, mapapelikula man o telebisyon. Madalas rin ang paga-alis nya para sa mga One Kapamilya Go. Crowd favorite daw kasi sya at most requested. Minsan, umuuwi sya na may dala para sa akin. Merong galing talaga sa kanya, pero karamihan ay galing sa mga Ashrald TOS. Kahit nga raw hindi member ng Ashralds, tinatanong kung kamusta daw ang relationship namin, na magpakatatag kami. Yung iba, ginagawa lang na expressmail si Gege para sabihin sa akin ang messages nila for me.
Ako naman, naging busy sa usual ko. Nagbalik ang Sarah G. Live, pero mas maganda na ang buong studio at ang mga segments. Nandoon sya sa first day ko bilang isang guest host. Este special guest host. Nung 28th birthday celebration ko, nag-Sige Go kami sa Paris. Ikinagulat ko, nandun pala sya. Halos isang buwan kasi syang hindi nagpakita. Yun pala, sya yung nag-ayos ng lahat. Sa loob ng limang taon, nagkaroon ako ng concerts. Concert kasama si Bamboo, concert kasama si Ms. Lea, Ms. Regine at si Ms. Lani, and yung iba solo concerts lang. Nahubog na nga ang kakayahan ko lalo sa pagpeperform, nakakasama ko pa ang mga legends. Fullfillment of my dreams!
Sa limang taon rin, sinusubukan ng mga mapanirang paparazzis ang relasyon namin. Nililink kami sa kung sino-sino. Sa may mga asawa’t jowa na, sa mga pulitiko, nonshowbiz people at mga nakakapartner ni Ge sa mga teleserye nya. Nalink nga sya ulit kay Marlet e. Ako din, nalilink ulit kay Gov. Migz. Eh my girlfriend at boyfriend na nga yung dalawa e. Pero syempre may tiwala kami sa isa’t isa. Tinatawanan na lang namin yang mga ganyang issue. Palibhasa, di nila alam na engaged (or ENCAGED) na kami.
Maniwala man kayo o hindi, sa tanang limang taon na mag-on kami, never kaming nagkatampuhan o nagkaaway. Well, merong mga times, pero mabilis lang. Hindi nagtatagal. Kapag may nagkamali, ibabababa na namin agad ang mga pride namin at pinag-uusapan na namin ang mga bagay-bagay. We make it up na we tell the truth to each other dahil nga napag-usapan naming kailangan may trust kami sa isa’t isa. Nagkakabati kami agad dahil nagiging open-minded kami sa opinyon ng isa’t isa. We consider factors. Communication is the key.
![](https://img.wattpad.com/cover/2482920-288-k372502.jpg)
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
FanfictionKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.