<Gerald's POV>
Habang paakyat ako sa kwarto nya, kinakabahan ako.I am facing my consequences right now.
I must pay for it.
Hindi ko dapat basta-bastang takbuhan si Marlet.
Kahit ilang beses isigaw ng puso ko ang pangalan ni Sarah, it will take time.
So much time.
Sarah, mahal na mahal kita. I guess for now, we'l go back to the basic----waiting.]
Pag malaya na ang puso ko, doon ko ipagsisigawan ko sa mundo kung gaano kita kamahal.
Sa ngayon, Si Marlet muna.
Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto nya. Tumakbo ako agad-agad kung nasaan sya at niyakap.
"Marlet," bulong ko sa kanya. "Tama na."
Nagpupumiglas sya. "AYOKO!!! KUNG HINDI KA MAGIGING AKIN AYOKO NANG MABUHAY!!!" Umiyak sya lalo.
Hinila ko sya para makababa mula sa pinaguupuan nya. Baka in any moment mahulog sya. Ako pa ang may kasalanan.
"Marlet!," Narinig kong sumigaw si Sarah mula sa ibaba. Tumingin kami doon. "Mali ang iniisip mo. Nanghihingi lang ng advice si Gerald sa akin kung paano aayusin yung gusot sa relasyon nyo ngayon. It means he really loves you."
Napatigil sa paghagulgol si Marlet at nilingon ako. "Ge, totoo ba?"
Haaaaaay. He goes the pretty little lie. Hindi ako humihingi ng advice kay sarah. Sya ang kusang gumawa noon. Eh, sige lang. Basta may excuse. There's no turning back. "Marlet, mahal kita. Kaya ko 'to ginagawa."
Niyakap nya ako.
Labas sa ilong yung sinabi ko. >______<
Inalalayan ko sya pababa at nagstay kami sa dining room. Kinakausap ko sya pero she never talked back. Sorry ako ng sorry sa kanya pero hindi nya ako pinapansin. Hinawakan ko ang kamay nya, pero binitawan nya agad ito.
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
FanfictionKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.