Si Marlet.
Lahat kami nakatingin sa kanya. Sinundan namin sya ng tingin hanggang lumapit sya kay Ge.
"Luhh. Sino yan ate?" Tanong ng isang AshRald na hindi ko nakilala dahil sa aking pag-uusisa sa kanilang ginagawa ni Marlet.
"Sya si Marlet, yung-------" Opyaaah. Private nga pala yun. Tsss. "Yung... Kaibigan ni Heraldo."
Pumasok sa tent ni Ge silang dalawa. Lumingon sa amin si Ge, at sabay sabay naman kaming umiwas. Heheheee.
"Ate, parang malungkot ang fes ni Koia. GF nya ba yon?" Tanong na naman ng isa nang bumalik ang lingon ko sa direksyon ng tent ni Gege.
"Ha? Hindi! Uhhh."
"Kababata lang 'yon ni Ge. Aalis na sya eh. Ngayon lang nagpakita kasi very private sya." Sagot naman ni Matteo.
Siniko
ko ng mahina si Matteo.
“Ano?” Patawa nyang sabi.
“Anong paalis na?” Bulong ko. “Ikaw talaga, makapagconclude!”
Tumawa sya ng mahina.
After nun, binayaan na lang namin sila Ge and nakipagbonding ako kasama ng mga AshRalds at ni Matteo since after two hours pa yung shoot namin. After ng ilang saglit lamang, nagpaalam na silang umalis dahil may pupuntahan pa raw sila.
Umalis na sila. Dahil doon, napagdesisyunan kong bumalik muna sa tent ko nang makapagpractice ng mga linya ko. Pababa na sana ako ng makita kong nakayuko si Marlet.
"Marlet?" Lumapit ako sa kanya, almost near Gerald's tent.
Tumingala sya. "Hello po." She tapped my shoulder. "Good luck po sa lovelife." Then she left me, curious.
Teka, tama ba yung narinig ko? Good luck po sa lovelife? Ka-goood luck, good-luck ba ang lovelife ko. Is that an encouragement or an insult? Sinasabi ba nya na wala nang pag-asa na magkaroon ako ng ganun? Tsss. I hate jumping into conclusions. And, bakit nakayuko sya? Nag-away ba sila ni Heraldo?
Ay, di na ba mababago ang pagiging womanizer ni Ge?
I have to do something.
-------
"Heraldo."
Nagulat ako ng pumasok si Sarah sa tent ko. Pero di ko sya nilingon, wala ako sa mood para makipag-usap kahit kanino ngayon. Marlet broke up with me a few secs ago.
"Anong ginawa mo kay Marlet? Bakit nakaganun sya kanila. Malungkot."
Silence.
"Gerald, tama na! Kim, Bea,A...." Pag-aalangan nyang sabi. "Ako, Maja, MArlet? Kailangan pa lahat paiyakin mo? Saktan mo?"
Tumingala ako sa kanya.
"Ge, are you really born to be a womanizer?"
"Wala kang karapatang sabihin yan, Sarah---"
"ABA! MERON SYEMPRE! Dahil I'm one of those girls whom you'd hurt. Bakit di ka na natuto." First time kong narinig ang boses nya kapag nanggigigil sa galit. Bihira lang sya magkaganito. Actually ngayon lang. And good news, dahil yun sa akin.
Napatayo ako to calm myself either. "Sarah, wala kang karapatan para sabihin yan. Di mo alam ang mga pangyayari."
"So ano, hindi pa sapat yung nakita ko. Ginudluck ako ni Marlet sa lovelife ko," Pag-aalinlangan nya ulit na sagot. "Tapos malungkot sya, tapos ikaw, walang reaksyon kanina dyan. Now you're telling me there's nothing going on?"
"FINE!" Napasigaw na ako. "NAKIPAGBREAK NA SA AKIN SI MARLET!"
"Hindi yan ang hinahanap kong sagot----"
"PARA MATAHIMIK KA NA, PARA MASARA NA NATIN 'TONG ISSUE NA 'TO, SASABIHIN KO NA SA'YO LAHAT." Hindi ako pumapatol sa babae. Pero kapag badtrip ako? Don't mess up with me. I'll say the truth. "NAKIPAGBREAK SA AKIN SI MARLET DAHIL TINGIN NYA MAY MAHAL NA RIN AKO MALIBAN SA KANYA. FOR YOUR INFORMATION, HINDI YAN SI MAJA O SA KUNG SINO MANG BABAENG NAIISIP MO." I leaned on her bit by bit. "DAHIL ALAM MO KUNG BAKIT? KASI AKALA NI MARLET MAHAL PA RIN KITA!!!!!"
"H-Ha? Di ba hin---"
"TAMA SI MARLET NG HINALA, SARAH."
"H-Hinde! Uhhhhh... Hindi yan ano! Uh..." Ang cute nyang tignan habang nagpapanic sya na kinikilig na ewan. Basta ang cute nya. Hehehe.
Lumapit ako sa kanya lalo at hinawakan ang pisngi nya. Natigil sya bigla sa pagkataranda at namutla naman habang hawak ko. Nanlaki ang mga mata nya.
"Uhhh," tanong nya. "Di ba mag, uh.... nagbibiro ka lang."
Umiling ako.
Tumawa sya ng mahina habang may tumutulong luha sa kanyang pisngi. Agad ko itong pinunasan. "Sarah, sorry. Sorry sa nakaraan. Sorry sa ngayon. I love you hanggang future." Sabay ngiti. Alaaaa. Ang corny ko. >_____<
Kumalas ako at medyo lumayo. "I love you." Sabi ko sabay open arms. Kahit di nya na ako yakapin, okay lang basta alam nyang gusto kong maramdaman nya na mahal ko sya.
Hinampas nya ang braso ko. "Nakakainis ka!!!"
"Bakit?"
Nagulat ako ng yumakap sya. Tuwang-tuwa naman ako. Ang sarap ng feeling ko. WOW. Kinikilig ako ng di oras. Hehehe.
"I love you baby girl." Bulong ko sa tenga nya sabay halik.
And we lived happily ever after. The end.
"Ge."
Kung sana ganito lang kadali. -.-

BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
FanfictionKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.