Pupunta sya sa garden at makikita ang isang table na napapaligiran ng rose petals. Habang papalapit sya sa table, nag-umpisang tumugtog ang gitara at may isang boses na umalingawngaw.
Nanginginig ako sa script. Kaya ko ba 'to mamaya?
Alam nyang hindi kayang kumanta ni Roger, pero natutuwa sya dahil alam nyang nag-eeffort ang lalaki para sa kanya. Napangiti sya ng malawak.
Roger (Gerald) *pakanta*: Ikaw lamang ang tanging minamahal.... Ikaw lamang ang tangi kong inaasam. Makapiling ka, habambuhay ikaw lamang sinta. Wala na kong mahihiling pa. Wala na... Ooooh. Ooooooohh......
Yel (Sarah): (tumawa) Kinagwapo mo na yan?
Roger (Gerald): (kinamot ang ulo) Sabi na nga ba, waepek tong ganito.
Yel (Sarah): Oy! (lumapit) Di ka pumogi dyan sa ginawa mo! (hinawakan ang kamay) Yun nga lang, lalo akong nainlove sa'yo.
Bat ba naman kasi medyo maharot si Yel ngayon? Nakakainis naman 'tong eksena mamaya.
Roger (Gerald): Na--Naiinlove lalo? Ibig sabihin...
Yel (Sarah): Hay ewan ko ba kung bakit! Pasalamat ka best friend kita kaya mabilis------
(Roger agad niyakap si Yel)
Teka, may yakap talaga? As in, dapat? Pwede bang bugbugan muna eksena namin? Or iyakan? Nakakaloka naman 'to.
Yel (Sarah): O---oy! (sinusubukang humiwalay) Chancing ah!
Roger (Gerald): Asuuuuus! Pakipot ka pa bespren! Alam kong gusto mo 'to!
Yel (Sarah): (nagpupumiglas) Ihhh! U---Umayos ka nga!
Roger (Gerald): (nilapit ang mukha kay Yel)
Yel (Sarah): (nanahimik bigla)
(Roger at Yel titigan)
"Oy Sarah!" Nagulat ako at tinago kaagad ang script.
"Oh, A-Ate Nhila!" Sumipsip ako ng mas marami sa Zagu ko. Yung huling time na nakita ko si Ate Nhila e yung sa panaginip ko last time na nagpropose si Gerald sa akin. Ngayon ramdam kong totoo na talaga sya, dahil nakakainom ako. "Napadalaw ka ata dito sa tent ko ngayon! Anong ganap?"
"Wala naman. Trip ko lang." Napansin kong tinignan nya yung script na hawak ko. "Wag mo nang itago. Nabasa ko na din yan."
Komportable ko namang nilagay sa table sa harap ko yung papel at tinignan ito.
"Ano, nahihirapan ka sa next scene?"
![](https://img.wattpad.com/cover/2482920-288-k372502.jpg)
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
FanficKapag third movie ay in the making, may remake kaya ang kanilang pag-ibig, at magkaroon na kaya ng happy ending? An AshRald fan fiction after 15 months ng kanilang pagseparate ways.