HAPPY NEW YEAR ^O^
**
Chapter 33
“You don’t know me?”
“Who are you?”
Ouch. Ang sakit. Pero…teka!
“Wag ka ngang magbiro!”
“Do I look like joking? Seriously, miss, I really don’t know you.” seryoso niyang sabi. Biglang nagring yung cellphone niya na agad din naman niyang sinagot. “Hey, Hon…” Hon?
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi makapaniwala.
Maraming nag-iba sa kanya. Yung way ng pagsasalita niya. Yung itsura niya, more like bad boy na yung tayo niya ngayon. Yung pakikitungo niya sa akin. At ang pinakamasakit sa lahat yung kakaibang ngiti niya habang kausap yung ‘HON’ niya sa kabilang linya.
“Yeah. Bababa na ako. Yeah, I’m alone. Bye. Love you.” agad din naman siyang lumakad paalis. Ni hindi man lang siya nagpaalam.
I’m alone.
I love you.
Ang sakit. Ang sakit-sakit. Napaluhod ako ulit. Bigla namang bumuhos ulit ang ulan.
Ganun? Ganun na lang yun? After all ng mga nangyari sa akin habang wala ka? Kinalimutan mo na lang ako? Matapos lahat ng sakripisyo ko. Ng paghihirap ko. Ng sakit na nararamdaman ko habang wala ka. Yun na lang? HA?!
Sunud-sunod ang patak ng luha ko.
Ganun na lang ba talaga lahat? “Why are you so unfair?!”
Iyak lang ako ng iyak doon. Hindi iniinda ang malakas na patak ng ulan. Maya-maya lang bigla kong naramdamang tumigil ang ulan…sa parte ko lang. Tumingala ako at nakita ang taong hindi ko inaasahan…si Quen.
Agad kong pinunasan yung pisngi ko. As if naman makikita niya yung luha ko diba? Eh basang-basa na din ang mukha ko ng ulan. Psh.
“Don’t give up. Dj got involved in a car accident three months ago.”
“Ano?” naaksidente si Dj? “At hindi niyo man lang sinabi?!”
Ngumiti siya ng malungkot, “Ayaw niyang ipasabi eh. But hindi yun ang gusto kong malaman mo.”
Hindi ako umimik. I’m kinda irritated kasi, na ako na girlfriend ni hindi man lang nalamang naaksidente ang boyfriend ko!
“Naaalala niya lahat ng nakaraan niya, but there’s one particular thing na hindi niya naaalala. I mean…person.” then tiningnan niya ako ng makahulugan.
“At AKO, ang taong yun.” not a question, but a statement. Bakit ako pa?
“Hmmm. Pero hindi pa naman tapos ang laban eh.” saad niya. Bigla namang tumigil ang ulan. “Alam mo bang naniniwala ako sa kasabihan na ‘kahit makalimutan man ng isipan, hinding-hindi naman ito malilimutan ng puso’.”
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Napangiti ako, “Hindi naman yun rhyme.” napatawa kaming dalawa.
“Corny ba?” natatawa niyang tanong sabay kamot sa kanyang ulo at naupo na din sa tabi ko.
“Oo eh, basta galing sa’yo, laging corny.”
“Grabe ‘to!” maktol niya at nagpout pa ang loko!
“Biro lang naman! Pero alam mo tama ka, dapat hindi ako maggive up! Yun ang panghahawakan ko!” tapos nginitian ko siya at dala na siguro ng sobrang tuwa, I gave him a kiss sa cheeks. “THANK YOU QUEN!” sabi ko sabay takbo paalis.
***
Quen’s POV
Biglang nag-init yung mukha ko, matapos niya akong halikan sa pisngi. Kainis! Ngayon lang ako nagkakaganito sa isang babae…sa isang hindi pa kagandahan! Grr. At ang nakakainis pa lalo ay yung fact na, ako pa talaga yung nagdilang anghel para magkalakas siya ng loob na huwag maggive up sa hinayupak na DJ! Lintek!
UGH! QUEN! TORPE >///<
***
**back to Julia’s POV**
Tama si Quen, I won’t give up! I shouldn’t give up!
Lalalalalala
Pakanta-kanta pa ako habang nagbibihis sa CR ni ate Coleen. Nagfade na din yung kulay ko, buti na lang nakalong sleeves ako. OWW. Secret ko nga pala yun. Hihihi. Oi, kayo, shhh lang ha?!
After kong magbihis, konting retouch tapos ayun lumabas na ako. Nagpatuyo muna ako ng buhok ko. Haha, gawin daw bang bahay ang opisina XD Then, pagkatapos ng aking mga ritual, lumabas na ako at nagtimpla ng kape.
Ipagtitimpla ko ng kape si Dj!
“Have you heard the news? Sila Sir Dj na pala at si Ms. Chandria.”
*blag*
Napatingin yung dalawang chismosa sa direksyon ko. Hala! Nahulog ko yung tasang hawak ko.
“S-sorry.” saad ko sabay pulot sa ilang piraso ng nahulog na tasa…eh sa basag na puso ko, sino kaya ang pupulot?
“Julia! Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Quen. Nakita na naman niya ako.
“Ah wala, nabasag lang yung pus- este yung tasa. Dumulas kasi sa kamay ko eh.”
Narinig kong napabuntong-hininga siya, “Wag mo ng hahawakan, baka masugatan ka pa.” tinanggal niya yung ilang bahagi ng tasang nabasag sa kamay ko tapos tinawag niya yung janitor. Tinulungan niya akong tumayo pero nabigla na lang ako ng bigla siyang yumakap sa akin.
“Uh…Quen?” hindi siya sumagot pero hindi din niya ako pinakawalan.
Narinig ko na lang yung boses ng isang babae.
“Hon…hon? Are you okay?” boses ni Kathryn yun.
“Hmm…yeah, I’m okay. C’mon Hon. Let’s have a date!” at yun naman ay boses ni Dj.
Si Kath at si Dj? Akala ko ba? Pero bakit noon…?
“Okay, just wait a minute okay? May sasabihin lang ako kay Kiray.” sagot naman ni Kath. Kung akala ni Quen, hindi ko nakikita ang eksenang itinatago niya sa akin. Pwes, nagkakamali siya. I can see it clearly sa mirror…sa likod niya. Bale ako ang nakatalikod sa direksyon nila Dj tapos niyakap ako ni Quen para hindi ko makita sila. Thanks Quen.
Kakalas na sana si Quen sa kanyang yakap ng ako naman ang yumakap sa kanya. Is it just me o talagang nag-iwas tingin si Dj? HAHA *fake laugh* Bakit nga naman siya titingin? Psh.
***
Julniel/JulQuen/JulSam story >>> I'm Sashi and I'm Maldita (click the external link)
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...