Ba't parang tinatamad akong mag-update?
Eto na po ang Chapter 6...sorry medyo mais yung update na 'to.
Hope magustuhan niyo pa din :))
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 6 – Eh atleast kinailangan mo
“Chan…Chandria…” nakita ko si Dj na hinahabol si Chandria pero hindi naman siya pinapansin nito, “Chandy!” napalakas ang boses ni Dj kaya naman lahat ng mata nakuha nila. Parehas din silang napatigil.
“What?!” sigaw ni Dj at nagsibalik naman sa trabaho ang lahat.
Hinarap siya ni Chandria at tinignan mata sa mata, “Don’t you ever call me with that name again.” mahina pero madiin niyang sabi.
Paano ko narinig?
Uulitin ko, HINDI AKO TSISMOSA!
Nagkataon lang na lagi silang umeeksena sa harap ko…
Tsaka hindi naman nila ako napapansin, andito kasi ako nakatayo sa likod nilang dalawa habang kunwari’y nakikipag-usap kina Angeli at Kiray, hindi namin kasama si Jane ngayon may meeting kasi sila. Linawin ko lang ha, hindi assistant o kung anuman si Jane, isa siya sa mga fashion designer dito - na may kaweirdohan :|
Naglakad palayo si Chandria pero this time hindi na sumunod si Dj, nakatayo lang siya doon habang tinitingnan ang paalis na EX-kasintahan.
Nakatingin kami sa kanila at sa hindi inaasahang pagkakataon…tumingin sa direksyon namin si Dj.
Lagooooot….
na naman!!! >__<’’
Chandria’s POV
Matapos ang eksena namin ni Dj…bumalik na ako sa opisina ko. Nakakahiya ‘yung kanina >:X
but what can I do?
kailangan kong gawin ‘yun…I don’t have a choice.
Pabalabag akong umupo sa sofa bed at tinanggal ang aking sandals…doon ko lang napansin na malapit na palang matanggal ang heels nito.
“Haist…sinabi ko naman sa’yong bumili ka na ng bagong sapatos.” sabi ng isang boses na kakapasok lang.
“Pwede pa naman ito eh, rugby lang katapat niyan, ayos na ulit ‘yan.”
“Tss…’wag na nga nating pag-usapan ‘yan. Nga pala, I like what you did kanina. Hindi ko alam ganun ka pala talaga kadedicated sa trabaho mo, kaunting eksena lang ‘yun yet nagawa mo ng maayos. Parang…napakarealistic!” masayang sabi niya habang pumapalakpak pa.
“Ms. Mylene…” hesitant pa ako kung itutuloy ko ba yung sasabihin ko o hindi…
“What?” tanong niya na tila sinasabi kung anong gusto kong sabihin.
“Uhh…ayoko pong makasakit.” napayuko ako ng binitawan ko ang mga salitang ‘yun.
“Oh, eh hindi naman ikaw ang mananakit eh.” sabi niya. “Don’t tell me susuko ka? Pumirma ka at once na tumiwalag ka…I can sue you.” yung boses niya puno ng pagbabanta at alam ko kung gaano siya kaimpluwensiya at kayaman, wala akong laban sa kanya.
Lumabas na siya ng opisina. Napabuntong-hininga na lang ako, “Urgh! Ano ba ‘tong pinasok mo?!” nasabunutan ko pa ang sarili ko sa sobrang inis.
Dahil sa galit at sobrang inggit kaya ko ito pinasok. Akala ko malalamangan ko siya, akala ko makukuha ko din kung anong meron din siya…akala ko ganun talaga ako kagalit sa kanya. Pero mali ako. Sa twing naiisip ko kung ano ang magiging kahihinatnan nito nagiging masaya ako, pero kapag ginagawa ko na, naawa ako…
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
Fiksi PenggemarBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...