Chapter 7

1.6K 43 7
                                    

Wala akong mahanap na picture ni Julia na medyo weird yung itsura...halos lahat magaganda. Haist, ang hirap! 

Bumaba yung votes na natatanggap ko :(( may nagbabasa ba?

HEHE. Paawa effect kuno si author! Joke lang po yun.

Eto na po ang Chapter 7 :)) Hope magustuhan niyo.

LOVE!LOVE!LOVE :))

Btw, may tanong ako.  Ano kayo Katerina-Daniel o Katerina-Nathan?

Wiheee♥ Mas kinikilig ako sa Katerina-Nathan eh. Mwahahaha.

VOTE! COMMENT! LIKE!

Chapter 7 - L-♥-V-E

“Hoy panget!” napabalikwas ako sa gulat ng biglang sumulpot si Jane sa likod ko.

“Jane naman eh.” reklamo ko.

“Eto naman! Bakit nga pala nandito ka pa? Eh nagtatime out na yung iba oh.” tanong niya habang umuupo sa tabi ko. “May pinagagawa na naman yung boss mo sa’yo noh?”

Tumango ako pero hindi ko sinabi sa kanya kung ano.

“Good luck na lang sa’yo. Sige una na ako…” sabi niya at umalis na. Nagsialisan na din ang iba pero neither one of them greeted me, parang hindi nila ako nakita…sabagay invisible naman talaga yata ang magiging kapalaran ko sa opisinang ‘to. Hayss.

Nang mapansin kong wala ng tao sa opisina pero para makasiguro linibot ko ang buong building. And…CLEAR. wala ng tao kundi ako. Ako na lang mag-isa! Ako na lang talaga! Eeeeh. Nakupu! ‘Wag naman sana ako dalawin ng takot ngayon. *__*

Tumungo na ako sa opisina ni Dj at ginawa na ang dapat kong gawin. Sayang naman ‘yung pagsasabi niya ng ‘I need your help’ kung hindi ako mag-eeffort diba? After ng gagawin ko kailangang taasan niya yung sweldo. Wihihihi♥

“WAAAH!” sigaw ko sa gulat ng biglang may humawak sa balikat ko.

“Gabi na, anong ginagawa mo dito?” tanong sa akin ng isang lalaki, mga kasing-edad ko.

“Eh k-kasi…” patay na naman ako nito!

***

Kinabukasan…

 “Uy tingnan niyo oh.”

“Wow! Ang sweet niya talaga noh?”

“Oo nga, swerte naman ni Ma’am Chandria. Sana magkaboyfriend din ako ng katulad ni Sir Dj. Hayy.”

“Mangarap ka ng gising.”

“Heh! Kung anong swerte naman ni Ma’am Chandria kay Sir Dj, eh siya namang kay malas ni Sir Dj kay Ma’am Chandria.”

“Di naman…”

“Oo kaya. Naghahabol pa din si Sir Dj dyan kay Ma’am Chandria kahit alam naman niyang may something na ito sa iba.”

“I agree, tapos ‘yang Chandria namang ‘yan pinapaasa naman si Sir Dj. Tsk.tsk.tsk.”

“Gusto niyo bang mamulubi?” tanong ko sa limang babaeng nakikipagsiksikan sa iba pang empleyado na nakatingin sa bintana kung saan kitang-kita ang ground. Napayuko sila at sabay sabay na nagsorry sabay lakad palayo. “Anong meron dito?” tanong ko sa kasama kong si Jane.

“Aba malay ko. Ako pa tinanong mo, kadarating lang natin.” sabi niya sabay irap sa akin at lumapit ng kaunti sa mga nagsisiksikan at pilit na tinitingnan kung ano man ang pinagkakaguluhan.

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon