Chapter 4

1.7K 37 9
                                    

Dedicated to Ms. JuLeenLove :)) Thanks sa support! Mwah :** 

Full of love ~ Ms. Mimi/MissyCharming_NoeCon

P.S.

A Julia and Coleen fan here  -_^ !

Chapter 4 – Spell OA

“Lumabas nga kayo diyan…” utos niya. Nakakatakot yung mukha niya. Kaya nga niisa sa amin parang ayaw lumabas eh.

“LABAS!”

Malakas na yung boses niya tapos pinukpok pa niya yung mesa ng ayaw pa naming lumabas kaya naman hindi na kami nag-atubili pang lumabas galing sa ilalim ng mesa.

Patay!

“Kanina pa kita hinahanap alam mo ba ‘yun?” sabi niya sa akin.

“S-sorry po…” hala, anong nangyayari sa dila ko? Nauutal ako. *__*

“Pumunta ka sa opisina ko. May ipapagawa ako sa’yo.” malakas pa din yung boses niya. Katakot! Lumakad na siya patungo sa pinto…

“Pheew!” sabay-sabay naming sabi sabay buntong-hininga. Parang nabunutan ako ng tinik doon ah…hindi lang pala ako…kami. Ikaw ba naman, humarap sa mabangis tingin mo di mo pipigilin ang hininga mo?

Pero kala lang namin ‘yun…

Bumalik siya sa kinatatayuan namin pero this time blangko na ang kanyang ekspresyon. Tiningnan niya kami isa-isa habang kami naman ay napapayuko sa mga binabatong tingin niya.

“Sino ang nagbukas ng pinto kanina?” tanong niya. Mahina na yung boses niya hindi tulad kanina na nakakatakot kung iisipin, pero sa totoo lang mas nakakatakot yung ngayon. Seryosong-seryoso siya tapos yung boses napakafirm.

Walang umimik sa amin. “Sino?” medyo lumakas na yung boses niya at mas lalong tumigas.

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon